1 taong gulang na bata, patay nang malunod sa 1 timbang tubig

1 taong gulang na bata, patay nang malunod sa 1 timbang tubig

-Napatakbo daw ang ina ng biktima ng makarinig ng ingay mula sa banyo

-Doon nito nakita ang isang taong gulang na anak na nalunod na sa isang timbang tubig

-Patuloy ang imbestigasyon sa kaso bagamat wala naman nakikitang foul play dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na humihinga at tuluyan nang nalunod ang isang taong gulang na bata nang abutan ng kanyang ina sa banyo.

Ayon sa ulat, kasalukuyang kumakain ng tanghalian ang ina at ama ng bata nang mangyari ang insidente.

Agad umanong napatakbo ang babae nang makarinig ng tunog ng tubig sa kanilang palikuran. Doon nito nakita ang anak na nasa loob ng kanilang timba at una ang ulo sa loob.

Agad daw nila itong dinala sa malapit na health clinic ngunit huli na ang lahat at idineklarang patay na ang bata.

1 taong gulang na bata, patay nang malunod sa 1 timbang tubig
Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Kwento ng ina, hindi nila napansin na nakarating na ang kanilang anak sa banyo na tanging diaper lang ang suot.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sigurado din daw ito na walang lamang ang timba noong iwan niya dahil katatapos lang niyang paliguan ang isa pang anak.

Patuloy namang iniimbestigahan ang kaso bagamat wala namang nakikitang foul play dito.

Ayon sa mga eksperto, kahit 2.5cm ng tubig ay maari nang malunod ang mga baby o toddler at maaari lamng magtagal ng isang minuto.

Kaya nman pinapayuhan ang mga magulang na maging alerto lalo na kung may mga bata na sa bahay lalo na ang mga baby hanggang todller.

Huwag ding hayaang malamnan ang mga timba o palanggana sa banyo.

Mahalaga ring alam ng lahat kung paano magbigay ng first aid o CPR.

Source: The Asianparent

1 taong gulang na bata, patay nang malunod sa 1 timbang tubig
Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone