3-buwang sanggol biglaang pumanaw nang maiwan sa baby bouncer
-Hindi sinasadyang nakatulog ng mahaba ang isang ina at naiwan nito ang anak na sanggol sa baby bouncer
-Ngunit nang magising siya ay wala nang buhay ang kawawang baby
-Sinubukan pa umanong iligtas ang bata
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Itinuturing na bangungot ni Danielle Jones ang pagkamatay ng kanyang tatlong buwang sanggol na anak.
Kwento ni Jones dala ng pagod dahil marami daw siyang ginawa ng araw na iyon, napahimbing ang kanyang tulog.
At nang magising siya bandang alas-kwatro ng umaga upang silipin ang kanyang anak na si Leia Maena nsa baby bouncer, hindi na ito kumikilos pa at hindi na humihinga.
Sinubukan pa niyang i-resuscitate ang kanyang anak ngunit hindi na ito umipekto pa.
Dali-dali na siyang tumawag ng paramedic para madala sa ospital ang anak ngunit sa kasamaang-palad ay huli na ang lahat.
Hindi na nagising pa ang kanyang baby girl.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon sa ulat, namatay ang sanggol dahil sa kawalan ng hangin dahil sa posisyon nito sa baby bouncer.
Hindi kasi mainam para sa mga sanggol ang ganitong posisyon at mas makabubuti para dito na matulog sa crib.
Ngunit wala nang magagawa pa ang pagsisisi ni Jones. Nais na lamang niyang maging babala ito para sa ibang mga magulang.
Source: The Asianparent
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh