Isa lang siya! Doktor, motor lang ang gamit bilang ambulansya sa isang buong isla

Isa lang siya! Doktor, motor lang ang gamit bilang ambulansya sa isang buong isla

- Binahagi ni Dr. Lionel Peters ang buhay niya bilang nag-iisang doktor sa isang buong isla

- Motor lamang daw ang nagsisilbing ambulansiya sakaling may pasyenteng nangangailangan ng kanyang agarang serbisyo

- Di raw sapat ang motor lamang ang tanging transportasyon ng doktor lalo pa at may mga island barangays din siyang nasasakupan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing di-pangkariwang doktor si Dr. Lionel Peters dahil di basta bastang panggagamot lang kanyang ginagawa lalo pa at sa isla, siya lamang ang nag-iisang doktor ng nasa 13,000 residente.

Ayon sa GMA news, may lahing dugong Samoan at Filipino si Dok Lionel na tubong Cavite, ngunit siya ay nadestino sa munisipalidad ng Agutaya, ang pinakamalayong isla sa Palawan.

Bagaman at napapalibutan ang lugar ng magagandang tanawin at mayroong simple at payapang pamumuhay, di madali ang trabaho ng doktor dahil sa nag-iisa lamang siya sa buong isla.

Gamit ang kanyang motor, natinatawag na motorcycle ambulance, nililibot niya araw-araw ang mga pasyente ng isla na hirap nang pumunta sa health center.

Kung tutuusin, di sapat ang motor lamang ang nagsisilbing ambulansya ng lugar dahil isa ito sa maituturing na GIDA o Geographically Isolated and Disadvantaged Areas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod kasi sa mismong isla, may tinatawag pang island barangays na kanya ring sinusuyod. Talong oras ang biyahe patungo roon kung maayos ang panahon, at kung hindi, hangin at alon ang kalaban ng doktor sa pagtahak sa mga island barangays na iyon.

Di pa mga ordinaryong mga karamdaman ay mayroon ang kanyang mga pasyente. Tuberculosis, cancer, cerebral palsy ang ilan lamang sa mga ito.

Isa sa mga pinupuntahang pasyente ng doktor na may kanser at pumanaw na matapos lamang ang 2 araw mula nang binisita ito ng doktor kasama ang GMA news iWitness.

Ilang buwan na lamang ang nalalabi at matatapos na ang panunungkulan ni Dr. Lionel sa isla. Kung siya raw ang tatanungin, ayaw pa sana niyang umalis dahil sa alam niya ang matinding pangangailangan ng mga tao roon lalo na ang serbisyong medikal.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica