Netizens, gigil much sa viral post na nasa gitna ng kalsada ang poste ng kuryente

Netizens, gigil much sa viral post na nasa gitna ng kalsada ang poste ng kuryente

- Viral sa social media ang kalsadang nasa gitna ang mga poste ng kuryente

- May ginawa raw kasing road widening project doon sa lugar

- Subalit hindi naman ikinatuwa ng mga netizens ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang poste ng kuryenteng makikita sa gitna ng bagong gawang kalsada sa Pulilan sa Bulacan.

Nalaman ng KAMI sa ulat ng Dobol B sa News TV na nagkaroon daw ng road widening project sa Barangay Balatong B kaya naman nadamay ang mga poste ng Meralco rito.

Tila gigil naman ang mga netizens sa nangyaring ito. Narito ang ilang mga komento nila sa Facebook page ng GMA News:

“Meralco kasi yan, meralco ang magtataggal nyan hindi ang contractor ng kalsada, maraming ganyan di lang jan, mabagal ang meralco pagserbisyo pero sa putulan mabilis”
“Tapos walang ilaw sa gabi. Ayos yan. Dami pa namang kamote rider na kung magpaharurot kala mo nasa race track sila.”
“Mabuti meron ginagawa na kalye. E yung bagong walang sirang concreto sisirain ulit para gawin concreto ulit ano tawag dun?”
“Asa ka pa... Ganyan cla gumawa dito... Lagi palpak mga gawang kalsada... Palpak na nga halos abutin pa ng kalahating taon ang paggawa.. Wala pa halos isang kilometro ang gagawing kalsada umabot ng halos kalahating taon tinengga pa ng matagal kaya nagkagnun.. Gumagawa cla ng ganyan para ipakita kuno na may napupuntahan ung kaban ng bayan...”
“Very wrong. Delikado to lalo na sa gabi at di kabisado kalsada cguradong my sasalpak jan”
“lagi nman may construction sa bulacan haha matinong daan ginigiba my msabi lang na project malapt na kasing mag election”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa balita ng Super Radyo dzBB ay pansamantalang ipinasara ang kalsada sabi ni Bulacan Provincial Director Senior Superintendent Chito Besaluna at ininspekyon ito ng Bulacan PNP.

Huwebes ng umaga naman nang alisin ng Meralco ang kanilang mga poste na nakaharang sa kalsada.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)