Safe na safe raw! May-ari ng lambanog, pinatunayang ligtas ang produkto nila
- Pinatunayan ng may-ari ng Jimmy’s Lambanog na ‘safe na safe’ ang produkto nila
- Giit ng may-ari ay talamak daw kasi ang mga fake na produkto nila
- Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens ang pagpapatunay ng may-ari na ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ipinakita sa video ng may-ari ng Jimmy’s Lambanog na tila ligtas ang produkto nila. Nalaman ng KAMI na may mga fake raw kasing kumakalat na produkto nila ayon sa may-ari na si Leonisa Iyas.
Ayon sa balita ng GMA News, nadawit ang Jimmy’s Lambanog sa mga sunod-sunod na balita na may mga nasawi sa probinsya ng Laguna, Batangas at Quezon.
“Ito pong aking lambanog ay safe na safe,” giit ni Iyas.
“Ako po ang unang mamamatay kung talagang nakakamatay,” dagdag niya pa.
Sabi rin ni Iyas na tila dumaan daw sa kumpletong pagsusuri ang mga lambanog nila at nabigyan sila ng sertipiko ng Food and Drug Administration (FDA).
“Ako po ay nananawagan sa lahat ng aking customer na huwag kayong mag-alala, huwag kayong matatakot at safe naman po itong ating produkto. Approved po ito ng FDA,” giit ni Iyas.
May mga nabalita rin daw kasing tatlong tao na nasawi sa Pandi, Bulacan dahil sa produkto nila. Giit naman ni Iyas ay fake daw ang mga ito kasi hindi raw sila gumagamit ng putting containers. May iba raw talagang ginagamit ang sticker ng kanilang negosyo.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Nagkomento rin ang mga netizens sa ginawa ng may-ari na ito. Narito ang kanilang mga reaksyon base sa Facebook page ng GMA News:
“Mukhang gumuhit sa lalamunan ni ate, ngiwi siya..”
“Pa update po kami kung buhay pa ba?”
“yung gumuhit pagka shot... eh wala kasing chaser. patawa ung muka ng may ari e habang sya ay uminom”
“kawawa naman ang mga gumagawa ng Lambanog dito sa Quezon, ng dahil sa kapabayaan ng ilan, damay ang lahat, dito sa Quezon, trademark na bawat okasyon, lambanog ang iniinom, sa tinagal tagal ng panahon, ito lang pala ang sisira sa magandang reputasyon ng pag-lalambanog lalo na saming mga taga Quezon.“
“Di naman dapat lahatin eh.matagal ng may lambanog lalo na sa amin sa Quezon. Siguro dapat maging mahigpit na lang FDA sa mga gumagawa ng lambanog. Kawawa din naman yong mga negosyante na gumagawa ng maayos at safe na lambanog..”
“Sabotahe yan. May nag lagay para puro branded nalang bibilhin ng mga Pinoy.”
Unang naibalita ng KAMI na mayroong diumano “Killer Lambanog” na kumakalat sa Quezon City, Laguna, Pampanga at Antipolo. Namataang mayroong methanol daw ang mga nainom noong mga nasawai dahil sa lambanog.
Sa isa pang ulat ng KAMI ay umabot na sa siyam ang nasawi dahil sa lambanog. Ang mga nasawi raw ay unang nakaramdam ng pananakit ng tyan at pagkawala ng paningin saka hirap sa paghinga.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh