Homeschooling! 4 Filipino celebrities who chose homeschool for their children

Homeschooling! 4 Filipino celebrities who chose homeschool for their children

Habang ang ibang sikat na mga Pinoy celebrities o showbiz personalities ay pinili pa rin ang tradisyonal na pag-aaral sa kanilang mga celebrity kids, heto naman ang apat sa mga kilalang celebs na pinili ang homeschooling para sa kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI ang apat na mga Filipino celebrity parents na pinili ang homeschool para sa kanilang mga anak.

1. Rica Peralejo

Isa sa mga Filipino celebrity parents na pinili umano ang homeschooling ay si Rica Peralejo.

Naghohomeschool ang celebrity mom sa kanyang 4-year-old na anak na lalaki na si Philip at nagbababahagi naman siya sa kanyang social media account tungkol rito.

Isinalaysay daw ni Rica na tinuturuan niya ang kanyang anak ng Montessori approach na mula sa kilalang Italian educator na si Dr. Maria Montessori.

Binahagi naman umano ni Rica na nalaman niya ang tungkol dito sa kanyang nakakabatang kapatid na si Paula Peralejo.

Ayon pa umano ni Rica sa balita na binahagi ng GMA News Online, kung saan una naming naispatan ang tungkol sa listahang ito:

"I would have never discovered how wonderful this educational philosophy is if not for her. It's so respectful and so humbling."

2. Jan Marini

Ang kasamahan dati ni Rica Peralejo sa Ang TV sa ABS-CBN na si Jan Marini ay pinili rin ang homeschool program.

Open naman dito si Jan sa kanyang Instagram account at gusto raw niyang ifocus ang kanyang mga anak sa kanilang mga learning abilities kaya pinili nila ang homeschooling.

Sa isang interview umano, ibinahagi ng celebrity mom na ang kanyang mga anak ay nag-e-excel sa retention nang sinubukan nila ang homeschool learning.

Gayunpaman, inamin din ni Jan Marini na pinapayagan niya ang kanyang mga anak para makihalubilo sa ibang tao for their social skills at growth.

3. Bettinna Carlos

Ang dating Kapuso aktres na si Bettina Carlos ay umalis umano sa showbiz dahil gusto nya daw magfocus sa kanyang unica hija na si Gummy at ang kanyang food business.

Makikita naman sa kanyang Instagram page kung paano inintegrate niya ang life skills sa araw-araw na routing ng kanyang mini-me.

Bukod pa sa mga aral mula sa panginoon, iniintegrate din niya ang mga gawaing bahay, practical chores sa pag-aaral bilang parte ng homeschooling.

4. Team Kramer

Isa rin ang Team Kramer na pinili ang homeschooling at ani pa raw ni Chesca sa isa sa kanyang post, ikinonvert nila ang opisina ni Doug para sa homeschooling ng kanilang tatlong celebirty kids.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Fishball vendor, proud na makapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel