Buntis, patay matapos mahulog sa poso negro
-Namatay ang isang 29-anyos na buntis matapos mahulog sa isang poso negro
-Sinubukan pa itong sagipin ng kanyang asawa na kasama rin niya nang maganap ang insidente
-Kalahating oras pa ang lumipas bago naiahon ang katawan ng babae mula sa poso negro
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang 29-anyos na buntis ang namatay matapos mahulog sa poso negro sa Silangang bahagi ng China noong nakaraang linggo lamang.
Ayon sa ulat, pagkababa ng babae mula sa kanilang kotse ay natapak ito sa isang manhole na may takip na gawa lamang daw sa plastic.
Kasama nito ang asawa na sinubukan pang sagipin ito sa 16 feet na lalim ng poso negro. Ngunit hindi nito nagawang mahanap ang asawa.
Humingi na siya ng tulong sa pulis at pagkatapos ng kalahating oras na rescue ay natagpuan na ang katawan ng biktima.
Naisugod pa ito sa ospital ngunit idineklarang patay na maging ang sanggol na dinadala nito.
Sa imbestigasyon, sinabi ng property management manufacturer na ang lugar kung nasaan ang manhole na pinaghulugan ng biktima ay para lamang sa fire engines at hindi ginawa para sa parking.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sinabi rin ng kompanya na posibleng na-damage ng kotse ng mag-asawa ang takip ng manhole.
Sa isang report naman, sinabi ng isa sa mga security guard na ang ilang residenteng nauubusan ng parking ay ginagamit ang lugar para pagparadahan.
“We set up a warning sign but it didn’t work at all. In fact this manhole is inside the greenery area but because there are cars coming and going all the time, the plants have been worn off,” anito.
Wala rin umanong mga CCTV sa lugar nang pinangyarihan ng insidente at hindi rin matiyak kung ano ang lagay ng takip ng manhole noong mga panahong iyon.
Ayon naman sa ilang kapitbahay ng mag-asawa, alam naman daw nila ang kalagayan ng manhole at naireport na rin ito sa property management firm.
Source: South China Morning Post
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh