Lolo na lumuwas pa ng Maynila para mag-audition sa TnT, masayang umuwi kahit di siya natanggap
- Binahagi ng isa sa apo ni Lolo Fidel kung paano ito nakarating ng Maynila para sa mag-audition sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime
- Nataranta ang kamag-anakan ng lolo at gabi ay wala pa ito, ngunit nang makauwi napawi ang lahat ng nerbyos nila dahil sa labis na tuwa na bakas sa mukha ng matanda
- Bagaman at di natanggap sa audition ng Tawag ng Tanghalan ang 82 anyos na lolo, hilin ng kanyang pamilya na sana ay makakanta pa rin sa kahit anong paraan ang kanilang lolo sa It's Showtime
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang mahaba-habang post ang binahagi ng netizen na si Jhesca Talusan tungkol sa kwento ng 82 anyos niyang lolo na ninais mag-audition sa Tawag ng tanghalan sa It's Showtime.
Napaalam daw ang kanilang lolo Fidel na aalis at mag-o-audition daw ito sa paligsahan ng kantahan sa nasabing noontime show. Pinayagan naman daw ito ni Jhesca dahil di niya ito mapigilan at wala ring magbabantay sa dalawa niyang anak.
Bandang 9 na ng gabi ngunit wala pa rin ang kanilang lolo Fidel at doon na sila nagsimulang mag-panic. Inakala raw kasi ni Jhesca na sa Baliwag lamang ang punta ng lolo kaya naman pinayagan niya ito.
Bigla nilang naisip na marahil sa ABS-CBN ito nagtungo kaya naman gabi na ay di pa rin nakababalik ang kanilang lolo.
Maging ang kamag-anak nila sa Maynila ay dumiretsona ng ABS-CBN mula sa trabaho sa pagbabakasakali na naroon pa si lolo Fidel.
Naniguro na rin sila sa bayan ng kanilang lugar ang nang papunta pa lamang sila roon, nakasalubong na nila ang matanda na bakas parin ang kasiyahan kahit na alam nilang pagod ito sa biyahe.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Kinuwento niyang di na siya natanggap sa TnT dahil sa overage na ito. Ngunit, wala pa rin sidlan ng kaligayan ang matanda na nakapanood ng live sa It's Showtime.
Nagpasalamat din si Jhesca sa guard na tumulong daw kay lolo Fidel na makapasok sa programa.
Hiling din ni Jhesca na bagaman at di na natanggap ang lolo niya sa Tawag ng tanghalan ay makakanta pa rin ito sa noontime show sa anumang paraan.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?
Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh