5 Pinay celebrity moms who apparently considered and chose water birth

5 Pinay celebrity moms who apparently considered and chose water birth

Spotted ng KAMI ang listahan ng limang Pinay celebrity moms na pinag-isipan at pinili umano ang water birth.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang iba sa kanila ay pinag-isipan ang panganganak sa pamamagitan ng water birth procedure subalit hindi natuloy at ang iba naman ay tuluyang nanganak gamit ang naturang pamamaraan.

Una naming naispatan ang listahan sa GMA News Online.

1. Alyanna Martinez

Ang anak nina Albert Martinez at Liezl Martinez na si Alyanna Martinez ay pinili at nanganak sa naturang pamamaraan ng water birth.

Ipinanganak ni Alyanna ang kanyang kauna-unahang anak na si Adalyn Riley Macam noong Enero sa taong ito, 2018.

Isinagawa umano ang naturang procedure sa GraceFull Birthing Center sa Los Angeles, California.

Ani pa umano ni Alyanna, ang naturang pamamaraan sa panganganak ay "100% all-natural completely umedicated water birth."

2. Rica Peralejo

Inisip rin umano ni Rica Peralejo ang water birth noong 2014 sa anak na si Philip Nathaniel Peralejo Bonifacio.

Subalit hindi ito nangyari dahil kinailangan daw ni Rica na dumaan sa c-section procedure.

Nanganak si Rica Peralejo kay Philip sa St. Lukes Global City noong Enero 2014.

At ngayon, 4 years old na ang anak ni Rica.

3. Jennica Garcia

Ipinanganak naman ni Jennica Garcia ang kanyang ikalawang anak kay Alwyn Uytingco na si Alexis Severina o Alessi sa pamamagitan ng water birth noong June 25.

4. Isabelle Daza

Gaya rin umano kay Rica Peralejo, inisip rin una ng It Girl na si Isabelle Daza ang manganak through water birth method.

Sa isang social media post umano, isiniwalat ni Isabelle ito.

"Thinking if I can do a water birth or not? I'm so scared but motivated. Any tips?"

Pero hindi daw natuloy ang plano ni Isabelle na ipinanganak si Balthazar Gabriel Daza Semblat sa pamamagitan ng water birth dahil kailangan niyang dumaan sa "unexpected emergency C-Section.

Ibinahagi ito ni Isabelle Daza sa kanyang IG caption, saad niya:

"Never knew I could love someone so much. Thank you for all the well wishes. Last Saturday I had to go through an unexpected emergency C-Section due to complications, but our baby boy is healthy & it's all that matters."

5. Kylie Padilla

Sa kanyang mga social media posts umano, ibinahagi ng aktres na si Kylie Padilla kung paano raw siya nagprepare para sa water birth na kanilang unico hijo ni Aljur Abrenica na si Alas Joaquin Abrenica.

Ani pa raw ni Kylie sa kanyang post:

"I had decided I was going to have a natural birthing experience with the help of a water bath, also called a water birth."

Pagbahagi pa raw ni Kylie halos 2 days daw ang itinagal ng kanyang early labor at mahigit isang araw din daw ang kanyang active labor.

At noong August 2017 nga ay ipinanganak niya si Alas.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Effort 'to! Pulis, ginulat ang kanyang GF sa "madugong" proposal

Effort 'to! Pulis, ginulat ang kanyang GF sa "madugong" proposal

Effort 'to! Pulis, ginulat ang kanyang GF sa "madugong" proposal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel