Lalaki patay sa suntok! Suspek, driver ng Mayor
-Patay ang isang 45-anyos na lalaki sa Imus, Cavite matapos itong suntukin ng nakagitgitan sa kalye
-Ang suspek, isa palang driver ng politiko sa siyudad
-Sigaw ng mga kaanak ng biktima, hustisya para dito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagkagitgitan lamang daw sa daan ang negosyanteng si Dennis Narra Saique at si Michael Rodil Canizares na siyang pinagsimulan ng insidente ng panununtok at pagkakapatay kay Saique.
Ayon sa ulat ng GMA News, maghahatid lang daw ng kaibigan na balikbayan ang biktimang 45-anyos na negosyante nang makasabay at makagitgitan sa daan ang noo'y sakay sa motor na si Canizares.
Nagkaroon pa daw ng pagtatalo ang dalawa bago ang suntukan ngunit itinanggi ito ng panig ng biktima.
"Kinat niya po 'yung service namin na L300. Napahinto si Dennis, napahinto rin 'yung motor. Kumbaga, nagka-anohan sila...'Yung asawa noong hinatid namin na kaibigan, nagpakilala sabi 'Pare, mga bisita ko 'yan',"
Ito ang pahayag ni Henry Oringo, kaibigan ng biktima at nakasaksi sa insidente, sa panayam sa GMA News.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon pa dito, nang magkainitan ang dalawa ay umalis si Canizares ngunit maya-maya'y bumalik din na may kasamang security guard ng subdivision.
Napag-alamang peace and order chief si Canizares sa subdivision.
"Sabi niya sa amin, nagko-conduct talaga kami ng roving as SOP, sa gabi kaya may kasama akong guard...Pagharap po nu'ng Michael kay Denis, bigla niya agad ng sinuntok. Walang kaabog-abog, walang komisyon," kwento ni Oringo.
Naisugod pa sa ospital si Saique ngunit pumanaw rin dahil sa 'subdural hematoma' as a result of blunt traumatic injuries o pagdurugo sa ulo.
Hustisya ang sigaw ng mga kaanak nito! Lalo pa ang nakapag-piyansa pa ang suspek na sinampahan na ng kaukulang kaso ng pamilya.
"Masakit po, napakasakit po talaga. Talagang gusto kong mangyari, magkaroon ng hustisya ang anak ko...Nagpiyansa na po, nandiyan palakad-lakad. Ang gusto ko husisya, ang gusto ko murder ang ikaso sa kanya," ani ng ina ng biktima sa panayam sa GMA News.
Samantala, kinumpirma din ng City Legal Officer ng Imus City Hall na driver nga ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi ang suspek at tinaggal na ito sa trabaho.
Nangako rin ang mga ito na makakamit ang hustisya sa nangyari.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh