Magkapatid na iniwan ng ina para bumili raw ng payong, di na umano binalikan
- Nag-alala ang netizen na si Myleen DelosReyes De Villar sa nakitang magkapatid sa labas ng mang Inasal
- Nagpaalam lamang daw ang ina ng mga bata na bibili ng payong ngunit makalipas ang anim na oras ay di na muli itong bumalik
- Nagmalasakit na rin na pakainin ng crew ng Mang Inasal ang mga bata na gutom na gutom na
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag-viral ang post ng netizen na si Myleen DelosReyes De Villar tungkol umano sa magkapatid na iniwan daw ng ina sa Mang Inasal sa Valenzuela city.
Ayon sa post, mula sa Tondo ang magkapatid na isa pa sa mga ito ay sanggol pa. Bandang alas 6 ng umaga nang makarating ang mag-iina sa Mang Inasal sa People’s Park, Valenzuela City. Nagpaalam ang ina na bibili lamang ng payong at babalikan na lamang silang magkapatid
Kampante naman ang loob ng panganay na anak na matiyagang naghintay. Ngunit, lumipas daw ang halos limang oras nang mapansin ang mga batang ito na umiiyak.
Kinuwento ng batang lalaki ang pangyayari at kaya sila umiiyak ay dahil sa di pa bumabalik ang ina at nakararamdam na sila ng gutom. Di pa raw sila nag-aalmusal mula nang sila ay umalis sa Tondo.
Nagmalasakit na ang mga taga-Mang Inasal doon na pakainin na ang magkapatid at maging ang mga napapadaan sa lugar ay binibiyan na rin sila ng pagkain.
Nais na rin sanang makauwi na lamang ng bata ngunit di niya alam kung paano dahil sa may kalayuan ang kanilang kinaroroonan sa kanilang tahanan.
Umani ng iba't ibang reaksyon ang post na ito lalo na patungkol sa ina ng mga bata na nagawa ito sa sarili niyang mga anak.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ang iba ay nahahabag sa mga bata dahil baka raw kaya di nakabalik ang kanilang ina ay dahil sa may masamang nangyari na rito.
Ang ilan naman ay nagsasabing, imposibleng iniwan lang daw ang mga bata para sa payong gayong nai-byahe ito mula sa Tondo hanggang Valenzuela gayung napakalayo nito.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
" a mother wouldnt leave both children just to buy an umbrella... if she had the capability of bringing her children to valenzuela city from tondo.. then buying an umbrella to a nearby store wouldnt be an issue."
"Baka naman may nangyaring masama sa nanay nila kaya hindi nakabalik?!! Di natin alam, wag tayo agad humusga!"
"Wag kayong anak ng anak,Kong hindi nyo kaya buhayin ,na kakaawa lang mga bata...parang basura lang,basta2x nyo lang iiwan"
"Kawawa naman, ano na nangyari sa mga Bata. Kung Hindi kayang mag aruga wag mag anak"
" Sana man lang may nagdala sa kanila sa DSWD. So nasab sila now? Nasa harap parin ng kainan naghihintay?"
Ang magandang balita, isang netizen ang nagbigay ng update na binalikan na ang mga bata ng ina at magkakasama na ang mga ito kahapon pa.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?
Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh