Pagtulog ng busog, may masamang epekto sa ating katawan
-Normal lang daw na antuking kapag busog, ngunit may mga masasamang epekto ito lalo na at madalas itong gawin
-May payo ang mga doktor upang maiwasan ang ganitong habit
-Lalo pa ngayong panahon ng pagdiriwang at tiyak na puno ang ating mga hapag-kainan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Madalas ka bang antukin kapag busog? Ayon sa isang doktor, normal lang daw na antukin ang isang tao lalo na kapag busog na busog.
Ayon kay Dr. Oyie Balburias, pina-prioritize ng ating katawan ang circulation papunta sa ating bituka. Para sa proseso ng digestion.
Ngunit alam niyo ba na may mga masamang epekto ang pagtulog habang ikaw ay busog?
Ayon kay Dr. Willie T. Ong, posibleng magkasakit dahil dito. Mahihirapan ang trabaho ng ating tiyan, atay, lapay (pancreas) at puso dahil sa pagtulog habang busog.
Ang mga posibleng maging epekto nito ay:
Bibigat ang timbang lalo na kapag palaging busog.
Sasakit ang tiyan dahil sa gastric reflux. Kapag nahiga ng busog maaaring umakyat ang mga kinain sa esophagus. Hahapdi ang tiyan.
Posibleng mag-palpitate.
Posible ring maging sanhi ng stroke ayon sa isang pag-aaral.
Posible mamaga ang pancreas o lapay.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Kaya naman payo ni Dr. Ong:
Huwag nang kumain pagkalagpas ng alas-7 ng gabi upang magkaroon ng sapat na panahon ang tiyan na tunawin ang mga kinain.
Huwag magpakabusog, maaaring kumain ng 5-6 na beses basta pakonti-konti lamang.
Pwedeng maglakas ng 10-15 minuto para mas mabilis na matunaw ang kinain.
Maghintay ng 3 oras pagkatapos kumain bago mahiga o matulog.
Source: Pinoy MD, Dr. Willie Ong Facebook
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh