Anak, nagrebelde sa ina dahil diumano sa panunulsol ng lola, pati alahas ng nanay sinanla for P225K

Anak, nagrebelde sa ina dahil diumano sa panunulsol ng lola, pati alahas ng nanay sinanla for P225K

- Isang nanay ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action para makuha ang kustodiya ng kanyang 16-year-old na anak sa lola

- Sinanla ng anak ang mga alahas ng ina sa halagang P225,000 at inubos ang pera sa loob lamang ng 10 araw

- Sabi ng ina, sa 13 years na tumira ang anak sa lola dahil siya'y nagtrabaho abroad para sa anak, sinulsulan ito ng sarili niyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang ina, si Liza Jane Villar, ang dumulog sa Tulfo in Action upang makuha ang kustodiya sa anak na 16-years-old.

Nalaman ng KAMI na ang anak ni Liza na si Ara ay lumaki sa lola dahil sa loob ng 13 taon, nagtrabaho siya sa Japan upang masustentuhan ang pamilya.

Di lamang ang anak ang binubuhay niya, di raw siya makauwi kahit pagod na sa katatrabaho dahil pinagtapos niya ang kanyang mga kapatid sa pag-aaral.

Isang araw nalaman na lang niya na sinanla na ni Ara ang mga alahas niya sa halagang P225,000 at inubos ang pera sa loob lamang ng sampung araw.

Dahil dito, hinigpitan niya ang anak upang madisiplina ang bata pero naglayas ito at umuwi balik sa lola.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay Ara, ginawa daw niya iyon dahil may relasyon ang kanyang ina sa driver, pero ayon naman sa driver ay okay naman sila ni Ara nung una.

Nagpapasundo at nagre-request pa ito na hatiran siya ng driver ng pera sa school.

Nang nakausap na ni Tulfo si Ara, maraming netizens ang nag-react sa ugali ng bata.

Pati si Tulfo ay binastos sa sariling programa ng dalagang walang kagalang-galang magsalita.

Sinasabi pa ni Ara na di raw siya pinapakain ng nanay, na si Tulfo mismo ay di naniwala.

Panoorin ang naging pag-uusap ni Ara at ng ina na handang magpatawad sa anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Catriona Gray's backstage moment after being crowned as Miss Universe goes viral

Catriona Gray's backstage moment after being crowned as Miss Universe goes viral

Catriona Gray's backstage moment after being crowned as Miss Universe goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel