Mga senador, may bwelta sa pagdami ng mga diumano Chinese illegal workers
- Kinumpirma ng DOLE na patuloy ang pagtaas ng mga Chinese illegal workers sa Pinas
- May bwelta naman ang mga sendaor sa issue na ito
- Dapat daw ay mas maging mahigpit na sa pagbibigay ng permit
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtaas ng mga turista sa Pinas, lalo na ang patuloy na pagdating ng mga Intsik sa bansa. Nalaman ng KAMI na karamihan sa mga turista ay nagtatagal at nagiging manggagawa na rin sa bansa kahit na ilegal ito.
Ayon sa data ng DOLE, 51,980 daw na Alien Employment Permits (AEP) ang binigay mula 2015 hanggang 2017 sa mga Instik. 2,000 din sa kanila ang nabigyan daw ng trabaho sa construction sa loob ng tatlong taon. Samantala, 21, 320 AEPs naman daw ang na-issue sa unang tatlong buwan ngayong 2018. 20,000 naman daw ang nabigyan ng working visa mula 2017 hanggang 2018.
“There is indeed an upward trend,” kumpirmasyon ni DOLE Undersecretary Ciriaco Lagunzad base sa balita ng CNN Philippines.
Base raw sa Labor Code, maaari lang magbigay ng AEP sa mga dayuhan kapag walang Pinoy na gusto o pasok sa mga trabahong pang-teknikal, supervisor at manager. Ayon sa Bureau of Immigration (BI), kapag nabigyan na sila ng AEP ay saka sila mabibigyan ng working visa.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang summary ng mga Chinese nationals na dumating sa bansa ayon sa report CNN Philippines:
2013: 421,363
2014: 384,931
2015: 510,290
2016: 736,960
2017: 1,095,188
2018: 973, 614
May komento rin naman ang mga senator sa issue na ito.
“Glaring na ang record, ang konti ng inissue na AEPs, pero it's clear bumabaha ng illegal workers,” giit ni Sen. Joel Villanueva.
“Ito yung challenge natin sa kanila na magkaroon ng malasakit at gawin nila ‘yung trabaho nila to make sure na hindi nananakawan ng trabaho ang ating mga kababayan. To make sure na nakikita natin tayong mga regular na mamamayan dito sa bansa, hindi tayo nagtataka kung bakit ganito kadami at bumabaha ‘yung mga illegal Chinese workers sa ating bansa,” dagdag niya pa ayon sa report ng Inquirer.
“Obviously niloloko lang tayo. Sabi nila turista sila 'yun pala may balak naman pala sila ditong magtrabaho. Sa umpisa pa lang dapat tinitigil na natin 'yon. Kung turista ka tapos humingi ka ng work permit para mag-extend, wag na nating payagan 'yon. At marami sa kanila wala talagang lehitimong work permit pagpasok dito,” sabi naman ni Sen. Grace Poe.
Nais naman ng mga senador na mas higpitan pa ng BI at DOLE ang pagbibigay ng permit sa mga dayuhan sa Pilipinas.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: What Color Is This Word? | This game appears simple: you should name the color of the word appearing on the screen. Let us see if you can pass it! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh