Iba 'to! Pinay, isa sa mga babaeng may mataas na posisyon sa US Navy

Iba 'to! Pinay, isa sa mga babaeng may mataas na posisyon sa US Navy

-Isang babae ang may hawak ng isa sa may hawak ng nataas na posisyon sa US Navy ang gumagawa ng ingay ngayon

-Bukod kasi sa tapang at abilidad nito ay kabi-kabila din ang kanyang mga natanggap na pagkilala

-Kilalanin natin si US Navy Rear Admiral Bette Bolivar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Pinay ang gumagawa ngayon ng ingay sa Guam at ito ay si US Navy Rear Admiral Bette Bolivar.

Kabilang sa kanyang mga nakamit ay ang mga sumusunod:

-Commander, Joint Region Marianas

-Commander, U.S. Naval Forces Marianas

-U.S. Defense Representative Guam, Commonwealth of the Northern Mariana Islands, Federated States of Micronesia, Republic of Palau

-She was inducted into the Women Divers Hall of Fame

-Her decorations: various campaign, unit and service awards including recognition as the CNO’s Pacific Fleet Finalist for the Vice Adm. James Stockdale Leadership Award, the Navy and Marine Corps Achievement Medal (with one Gold Star), Navy and Marine Corps Commendation Medal (with four Gold Stars), Meritorious Service Medal (with three Gold Stars), Defense Meritorious Service Medal (with Oak Leaf Cluster), and Legion of Merit Medal (with one Gold Star)

-Chief of staff for Commander Navy Installations Command (CNIC)

-Commanding officer of Naval Weapons Station Yorktown and Navy Munitions Command CONUS East Division (NMC CED)

Pangalawa sa mga anak ng mag-asawang Teddy Sereno Bolivar at Virginia Dolor Bolivar. Ipinanganak sa Hawaii at pinalaking Pinoy na Pinoy.

Ang kanyang amang si Teddy ay dating miyembro rin ng US Navy bilang steward at nagretiro bilang chief petty officer pagkatapos ng taon sa serbisyo.

At kahit pa nga nasa lahai na nila ito, sariling desisyon daw niya ang pagpasok sa Navy. Ang kanyang 2 pang kapatid na lalaki ay pareho ring nanilbihan sa US Navy.

Determinado siyang pumasok kahit pa nung una daw ay pinigilan pa siya ng pamilya.

Nakapagtapos si Bolivar sa Naval academy ng Bachelor of Science degree in Oceanography. At ang una niyang pagsabak ay bilang fleet and message center officer of the US Naval Communication Station sa San Miguel, Philippines.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Alam niya rin daw sa sarili niya na bilang nakatapos siya sa Naval company, nais niyang maging isang diver ngunit hindi ito naging madali para sa kanya noong una.

At taong 2001 nakasama si Bolivar sa Women Divers Hall of Fame.

Sa kanyang mga natanggap na parangal at pagkilala, ipinagpapasalamat niya itong lahat sa mga taong kanyang nakasama at sa mga taong katulong na humubog sa kanyang kakayahan.

Tunay ngang ang galing ng mga Pinoy ay kinikilala at natural na nasa atin na. Nasa ating sariling gawa na lamang kung paano natin ito gagamitin para magtagumpay.

Katulad na lamang ng ating kababayan na si US Navy Rear Admiral Bette Bolivar.

Mula sa buomg KAMI, binabati ka namin at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang iyong tagumpay.

Source: Phil Star

Iba 'to! Pinay, isa sa may mataas na posisyon sa US Navy
Photo source: Phil Star
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone