18 Fave and most sought-after showbiz love teams from 2000 to present

18 Fave and most sought-after showbiz love teams from 2000 to present

Through the years, marami na tayong nakilala, minahal, at sinuportahan na mga showbz love teams.

Ngayon, ang KAMI ay sinilip ang mga favorite love teams simula noong 2000 hanggang ngayon.

Sila ang mga love teams na sumikat, hinahangaan, at talaga namang in-demand sa kani-kanilang mga taon o kasikatan sa loob ng mga taong nabanggit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang iba sa kanila ay sobrang sumikat at minahal ng mga tao pero kalaunan rin ay nabuwag at ang iba sa kanila ay nagkatuluyan.

1. Bea Alonzo and John Lloyd Cruz

Ang isa sa pinaka sumikat na love teams sa Kapamilya network na parehong mga Star Magic artists.

Kilala sila bilang si Popoy at Basha sa kanilang box office hit movie na One More Chance na pinalabas sa sinahan noong 2007.

Pero una umano silang ipinareha sa Kay Tagal Kang Hinintay noong 2002 at sumunod ang It Might Be You, na silang dalawa na ang lead stars, at first film nila raw ay ang My First Romance noong 2003.

2. Angel Locsin and Richard Gutierrez

Sila umano ang pinakasikat na love team sa Kapuso network, noong 2004, na nag-umpisa sa highly watched na TV series Mulawin.

Hanggang nabugo ang ChardGel at gumawa rin sila ng mga pelikula together.

3. Angelica Panganiban and Carlo Aquino

Mga batang 90s sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino, na ayon na rin sa kanilang mga rebelasyon, ay dati-rati raw hindi lang love team pero naging sila umano at nagkahiwalay din.

Ngayong 2018, nabuhay ang kanilang love team, na tila pati ang kanilang real love raw ay nabuhay din, at nabuo ang CarGel love team dahil na rin sa kanilang pagbabalik tambalan sa Exes Baggage.

4. Marian Rivera and Dingdong Dantes

Ang reel love team na nagsimula sa Philippine adaptation na teleserye na Marimar, na naging real sa kalaunan.

Ngayon, ang DongYan ay happily married na at expecting their 2nd baby soon.

5. Jericho Rosales and Kristine Hermosa

Bago pa man ang Pangako Sayo ng KathNiel, una muna sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa sa pagganap nito.

Mula 2000 hanggang 2002, ang diumano'y airing ng teleserye, pinakilig ng tambalang EchoTin ang mga faney.

6. Kim Chiu and Gerald Anderson

Isa sa pinakasikat na love team ng Kapamilya ang dating mga housemates sa Bahay ni Kuya na sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Ang reel love team na Kimerald ay naging real-life couple pero ayon pa sa balita ng ABS-CBN, nagkahiwalawy ang dalawa noong 2010.

7. Sandara Park and Hero Angeles

Bago pa man naging isa sa miyembro na sikat na girl group na 2NE1 na ngayon ay disbanded na, una munang minahal si Sandara Park sa Pinas.

Siya at si Hero Angeles ay nakilala sa Star Circle Quest noong 2004 at siya rin raw ang naglaunch ng kanilang lvoe team.

8. Liza Soberano and Enrique Gil

Una na raw silang nagkasama sa pelikulang "Must Be...Love" noong 2013 at sa "She's the One."

Pero 2014 daw inilaunch ang LizQuen love team sa kanilang Forevermore teleserye.

9. Maine Mendoza and Alden Richards

Ang loveteam na nag-umpisa sa kalyeserye ng Eat Bulaga, noong 2015, at naging isang napakalaking tandem na tinawag na AlDub.

10. Nadine Lustre and James Reid

Ang reel love team na JaDine ay naging isang real-life couple.

Ngayon, isa lang naman sila sa pinakasikat at pinaka most followed love teams sa social media.

Inilaunch umano ang kanilang love team noong 2014.

11. Coco Martin and Julia Montes

Minahal din ang CocoJul love team nina Coco Martin at Julia Montes.

Inilink umano dati agn dalawa na nagkatrabaho sa phenomenal series ng ABS-CBN ang Walang Hanggan noong 2012 at dahil dito nagkaroon sila umano ng pelikula together.

At isa pang series na tumabo rin sa TV ratings ang ginawa nila ang Ikaw Lamang.

12. Julia Barretto and Joshua Garcia

Ang Ngayon at Kailanman stars na sina Julia Barretto at Joshua Garcia na kilala ng kanilang mga fans bilang JoshLia ay isa rin sa pinakasikat na love teams ng Kapamilya.

13. Maymay Entrata at Edward Barber

At ang isa sa pinag-uusapang love team ngayon ay ang MayWard na nagsimula pa sa loob ng Bahay ni Kuya.

14. Maris Racal at Iñigo Pascual

Isa rin ang MarNigo sa tinatangkilik ngayon na love teams.

15. Melai Cantiveros at Jason Francisco

Ang isa sa reel to real love teams na sumikat at nag-umpisa sa Pinoy Big Brother ay sina Mela Cantiveros at Jason Francisco.

16. Toni Gonzaga at Sam Milby

Isa pang love team na nag-umpisa sa Pinoy Big Brother.

Hindi rin raw matatawaran ang SamTin dahil nag box office hit lang naman ang kanilang mga pelikula at naging Prince and Princess of Philippine Movies para sa You Are The One noong 2006.

Ngayon, magsasamang muli ang SamTin sa Metro Manila Film Feast movie entry ngayong pasko December 25, 2018, na Mary, Marry Me.

17. Piolo Pascual at Toni Gonzaga

Ang love team na nag-umpisa pa umano sa ASAP noong 2005, na dahilan raw sa pagkabuo ng ToniOlo.

At pinatunayan nila ang totoong kilig sa super blockbuster film ng 2014 ang Starting Over Again, at isa pa rin sa highest Filipino grossing films of all time.

18. Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

At ang pinakasikat na love team na siguro sa henerasyon na ito na tumabo sa takilya ng mahigit 900 million pesos umano worldwide para sa kanilang pelikulang The Hows of Us, at ito raw ang kinikilala ngayon bilang highest Filipino grossing film of all time.

Unang raw silang nagkatrabaho sa Growing Up noong 2011.

Naispatan namin ang mga well-celebrated at popular love teams from 2000 to present sa Team Angel page at sa ABS-CBN News.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mikee Quintos wows the netizens and her fellow celebs with her blazing beach photo

Ang sexy naman kasi! Celebrities react to Mikee Quintos' blazing beach photo

Ang sexy naman kasi! Celebrities react to Mikee Quintos' blazing beach photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel