Pinakabatang ina sa kasaysayan sa edad na 5, nananatiling misteryo

Pinakabatang ina sa kasaysayan sa edad na 5, nananatiling misteryo

-Unang inakalang tumor kaya dinala ang batang babae na si Lina Medina ngunit laking gulat na lang ng malamang buntis ito

-Marami man ang nagsabing hindi ito toot, may mga doktor na nagpatunay na ito'y totoo maging ang ilang larawan ng bata

-Mahirap man paniwalaan ngunit isang malusog at walang sakit na batang lalaki ang iniluwal nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Lina Medina ang siyang naitalang pinaka-batang ina sa kasaysayan hanggang ngayon. Ito'y nangyari noong taong 1939 sa bansang Peru.

Hindi man kapani-paniwala, naging ina ito sa edad na 5. Ayon sa pagaaral kaugnay ito, nagkaroon ito ng kondisyon kung saan maagang nadedevelop ang katawan ng isang babae.

At 1 sa kada 100,000 na bata ang nagkakaroon ng ganitong kondisyon.

maagang nagkaroon ng buwanang dalaw si Lina sa edad na 2 at kalahati o 3. Nadevelop rin ang dibdib nito sa edad na 4. Sa loob ng 5 taon nito lumapad na rin ang balakang nito at nagkaroon ng advanced bone maturation.

Ang tawag rito ay “precocious puberty”.

Napansin ng mga magulang nito na lumalaki ang tiyan ng bata kaya agad nila itong dinala sa doktor sa pag-aakalang may tumor ito.

Nang matignan ito ng doktor napag-alamang hindi tumor ang tumutubo dito kundi ito ay nagdadalangtao na.

Si Dr. Geraldo Lozada ang siyang naging attending doctor ni Lina at siyang humawak sa kaso ng batang ina.

Dinala pa ito ni Dr. Lozada sa ibang ospital at doktor upang humingi ng second opinion ngunit lumabasa na ito ay totoong buntis.

Ipinanganak ni Lina pagkatapos ng 7 buwan at 21 araw ang isang malusog na sanggol sa pamamagitan ng cesarean section noong 1939 at ang nagpaanak dito ay si Lozada and Dr. Busalleu.

Pinakabatang ina sa kasaysayan sa edad na 5, nananatiling misteryo
Photo source: Pixelated Planet
Source: Facebook

Pinakabatang ina sa kasaysayan sa edad na 5, nananatiling misteryo
Photo source: Pixelated Planet
Source: Facebook

Lumaki ito na naniniwalang kapatid niya lamang si Lina at nalaman lang ang katotohanan noong ito ay 10 taong gulang na.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi naman masagot ng bata kung sino ang nakabuntis sa kanya dahil hindi raw nito alam kung paano ito nangyari.

Naging suspek ang ama nito at dinakip. Ngunit kalauna'y pinalaya rin dahil sa kawalan ng ebidensya.

Malusog at ligtas man ang sanggol ni Lina na pinangalanang Gerardo, sa 'di maipaliwanag na dahilan namatay ito ng maaga sa edad na 40 kahit pa wala naman itong sakit at may malusog na pangangatawan.

Ganunpaman hindi na rin naresolba kung sino ang totong nakabuntis kay Lina.

Marami pa rin ang nagsasabing hindi totoo ang istoryang ito ni Lina ngunit may mga doktor na nagsagawa ng biopcies at X-rays ng fetal skeleton ang nagpatunay na ito daw ay totoo.

Maging ang mga litrato na kuha ng mga doktor nito ay pinatunayan rin ang istorya.

Samantala, ayon sa ulat nagkaroon ng asawa si Lina at nagkaroon muli ng isa pang anak na lalaki.

Source: Pixelated Planet

Pinakabatang ina sa kasaysayan sa edad na 5, nananatiling misteryo
Photo source: Pixelated Planet
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone