20-anyos na dalaga, natagpuang patay sa loob ng 1 banyera

20-anyos na dalaga, natagpuang patay sa loob ng 1 banyera

-Motibo ng selos umano ang dahilan ng pagpatay sa isang 20-anyos na dalaga na natagpuang patay na sa Meycauayan, Bulacan

-Nahuli ang 3 sa mga suspek na inamin at idinetalye rin ang krimen

-Malalim na saksak sa dibdib ang natamo ng biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagulantang ang mga mamamayan sa isang barangay sa Meycauayan, Bulacan nang tumambad sa kanila ang isang bangkay na nasa loob ng isang banyera.

May saksak sa dibdib na posibleng ikinamatay nito.

Kinilala ang biktima na si Andrea de Guzman, 20 taong gulang.

Huli daw itong nakita sa isang inuman sa Bocaue sa Bulacan din kasama ang kinilalang si John Mark Gerazo at babaeng alyas Jay at dalawang menor de edad.

Nahuli naman si Gerazo at ang dalawang menor de edad. Idinetalye nito kung paano nangyari ang krimen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay Gerazo, armado na daw ang suspek na si Jay at bigla na lamang daw sinaksak si de Guzman sa leeg ta pagkatapos ay sa dibdib.

Ang 2 menor de edad naman ang siyang inutusan ni Jay na isilid sa sako si de Guzman at inilagay sa banyera at isinakay sa trunk ng isang sasakyan.

Habang si Gerazo ang nagsilbing look out. Hinaluan pa daw ng bituka ng baboy ang bangkay sakaling may madaanang check point.

Ayon sa imbestigasyon, away at selos daw ang posibleng dahilan ng krimen. Ang pinag-awayan daw ng mga ito, isa ring babae ayon sa kwento ni Gerazo.

Kasong murder ang haharapin ni Gerazo at ang 2 menor de edad naman ay dadalhin sa DSWD. Habang patuloy pa ring pinaghahanap ang suspek na si Jay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel