Bride na wala raw pambili ng damit pangkasal, gumawa ng sariling gown yari sa papel

Bride na wala raw pambili ng damit pangkasal, gumawa ng sariling gown yari sa papel

- Marami ang humanga sa bride na gumawa ng sariling gown yari sa papel

- Aminadong kapos sa pambili ng magarbong damit ang ikakasal kaya naisip niya itong gawin

- Umani ng papuri ang bagong kasal sa pagiging malikhain nito at pagiging maabilidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang larawan ng bagong kasal kung saan yari sa papel ang damit ng bride.

Ayon sa post ni Kagawad Marivic Co-Pilar, labis siyang namangha kay Maricel Capinig Abaño, isang bride sa 178 na kinasal ng araw na iyon dahil sa kakaibang gown nito.

Kwento pa ng kagawad, dahil daw sa kagustuhan ni Maricel na makasal, di naging hadlang kahit wala siyang pambili ng magarbong damit dahil ito mismo ang gumawa ng sarili niyang dress/ gown pangkasal na yari sa puting papel.

Sa sobrang pagkamangha ng kagawad sa bagong kasal sa pagiging malikhain nito at pagiging maabilidad, binigyan niya ito ng regalo dahil dito.

Ayon naman sa post ng mismong bride na si Maricel, binahagi niya ang mga larawan ng mga tumulong sa kanya na mabuo ang gown na yari sa papel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang nakakatuwa pa rito, maging ang mga abay ng kasal ay may disenyo rin ng puting papel ang mga damit.

Maging ang mga netizens ay labis na namangha sa ginawa na ito ng bride. narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"She has a potential to be a good designer..."
"Unique and creative!"
"Valuable and Economical"
"Galing talaga ng pinoy.. Congrats po.."
"Woow...pwd mg order para mkasal ako kht wlang gown"
"Wow galing naman mam. Kahanga hanga ang abilidad nya."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica