Mag-ingat sa kinakain! Buntis, namatay pagkatapos kumain ng lukan

Mag-ingat sa kinakain! Buntis, namatay pagkatapos kumain ng lukan

- Isang buntis ang binawian ng buhay dahil siya'y kumain ng lukan

- Una siyang nakaramdam ng pananakit ng tiyan at diarrhea at pumunta pa ng doktor bago nag-apply ng sick leave

- Napansin na lang ng mga kapitbahay niya na di na siya lumabas at lumipas ang tatlong araw, natagpuan siyang nakahiga, walang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming bawal pag ika'y buntis at isa na rito ay ang mga kung ano ang puwede at hindi puwedeng kainin.

Isang nakakalungkot na pangyayari ang nalaman ng KAMI sa isang buntis na diumano'y kumain ng lukan.

Ayon sa The Asian Parent, ang babae ay pitong buwang buntis pero nakakain daw siya ng hindi masyadong naluto na mga lukan.

Ang kanyang kapitbahay sa isang apartment ay nagsabing binili daw niya ito para sa kanyang meal. Di rin natukoy kung umaga, tanghali o gabi niya kinain ang nasabing lukan.

Ayon pa sa ulat, nang matapos siyang kumain, nakaramdam na siya ng pananakit sa tiyan at nagkaroon ng matinding diarrhea.

Hindi na rin daw nakapagtrabaho ang nasabing buntis dahil sa karamdaman

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong Oktubre 1, nag-apply para sa sick leave ang buntis at bumisita na rin sa doktor.

Pagkatapos nito, ilang araw na ang lumipas, di na siya nakita pa ng mga kapitbahay na lumabas sa kanyang kuwarto.

Isang bata ang napasilip sa kanyang bintana at dito na tumambad ang buntis na wala nang buhay.

Wala siya ni kahit na anong injury, at wala ring sensyales na nagkaroon ng commotion.

Tanging suspetso ng mga otoridad sa Thailand ay namatay siya dahil sa matinding diarrhea dulot ng food poisoning nang kumain ng di masyadong nalutong lukan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Poe, and Robredo finally answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel