Babaeng nawawala, natagpuan sa tiyan ng 23 talampakang sawa

Babaeng nawawala, natagpuan sa tiyan ng 23 talampakang sawa

- Nalulon ng buo ang isang babae ng sawa na may habang 23 na talampakan

- Nawala raw ang 54 taong gulang na babae sa kanyang vegetable garden

- Nang mapatay ang sawa, binuksan ang katawan nito at doon nakita ang katawan ng babaeng buo pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natagpuan sa tiyan ng isang 23 talampakan na sawa ang isang babaeng nawawala ayon sa Aol.com.

Nakilala ang Indonesian na babaeng nawawala na si Wa Tiba na huling nakita sa kanyang vegetable garden noong Huwebes, Nobyembre 8.

Pinaghahanap ito dahil sa biglaang pagkawala at noong Biyernes, isang mahabang sawa ang natagpuan sa may hardin kung saan nawala ang 54 taong gulang na babae.

Malakas ang suspetsa nilang nalulon nang buhay ang babae dahil may ilang mga gamit itong nakita malapit sa kinaroroonan ng sawa. Kaya naman naisipan nang patayin ng mga taga-roon ang sawa at nang buksan ang katawan nito, doon nakita ang babae na buo pa maging ang mgadamit nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ulo raw ang unang nasakmal ng sawa base sa posisyon nito sa tiyan ng malaking ahas.

Sa ganitong sitwasyon, nililingkisan o pinuluputan ng sawa ang ang katawan ng kanyang kakainin dahilan upang ito at di makahinga o atakihin sa puso.

Karaniwan raw sa Indonesia ang mga ganitong klaseng sawa gayundin sa ilang bahagi ng Southeast Asia.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica