KZ Tandingan, nagbigay suporta kay Bella Santiago sa X-Factor Romania

KZ Tandingan, nagbigay suporta kay Bella Santiago sa X-Factor Romania

- Isang Pinay na naman ang gumagawa ng ingay at agaw-pansin na performances sa isang international talent show competion

- At ito nga ay si Bella Santiago na umaagaw ng atensyon sa kanyang super all-out performances at galing na talento sa X-Factor Romania

- Kamakailan, kinanta niya ang bersyon ni KZ Tandingan ng Rolling in the Deep at napansin naman ito ng Kapamilya singer at nagbigay ng suporta sa isang social media post

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang buo at bonggang suporta ng The X-Factor Philippines winner na si KZ Tandingan sa ating pambato sa X-Factor Romania na si Bella Santiago.

Sa 4-chair challenge round ng naturang international talent show competition, kinanta at pinerform ni Bella ang bersyon ni KZ ng Rolling in the Deep na kinanta at pinerform niya sa Singer 2018 sa China, na umagaw atensyon, pinag-usapan, at nagtrending online sa YouTube.

Bumilib naman ng husto si KZ at buong puso na nagbigay ng suporta kay Bella sa pamamagitan ng pagshare sa video ng performance ni Bella at sinulatan pa niya ng:

"Let us support our kababayan! Stop comparing. Love our own.(heart)"

Ngayon, meron na itong 1.1 million views, 9.9k likes, 2.3k comments, at 27,550 shares.

Nakita naman ito ni Bella Santiago at nagpasalamat kay KZ sa suporta nito.

Ani ni Bella sa kanyang comment sa reply kay KZ:

"Thank you kristine kz tandingan! You are one of my inspiration and lodi! Once i saw your performance at the singing Contest in China sobrang nainspire mo ko Jessie J is also one of my motivation!!! I love you even more hope to see you in person and have an authograph from you. God bless you more!"

Nagbigay naman ng suporta ang mga netizens kay Bella.

"Bella Santiago ,mabuhay!!!"
" Bella Santiago ,ang galing galing nyo po. Good job. May nanalo na...Congrats for a superb performance."
" Oh my gosh....super wow..congrats Bella santiago ang galing vow to both of u kz tandingan and u...godbless u both.. proud to be pinoy"

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel