Nakakabahala! Ubo't trangkaso kumitil sa buhay ng 4-anyos na bata sa loob lang ng dalawang araw

Nakakabahala! Ubo't trangkaso kumitil sa buhay ng 4-anyos na bata sa loob lang ng dalawang araw

- Isang 4-year-old ang namatay pagkatapos niyang magkaroon ng ubo at trangkaso

- Ang masaklap pa ay dalawang araw lang nang na-detect ang ubo't trangkaso niya, pagkatapos binawian na siya agad ng buhay

- Dinala din siya ng magulang sa emergency pero wala na talagang nagawa ang ospital para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nakakabahala na sitwasyon ang nangyari sa isang 4-anyos na bata kung saan nagkaroon siya ng lagnat at trangkaso at namatay dalawang araw lamang pagkatapos madiskubre ito.

Nalaman ng KAMI na ang 4-anyos na si Leon Sidari ay nagkaroon ng ubo. Nagkaroon din siya ng trangkaso.

Ayon sa The Asian Parent, akala ng nanay niyang si Laura Sidari, simpleng ubo't lagnat lang ang sakit ni Leon.

Binigyan pa raw ni Laura si Leon ng sopas. Tapos pinanood pa ng cartoons habang nagpapahinga.

Nang sumunod na araw, nagising si Leon na hirap nang huminga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di na naagapan sa ospital

Agad naman siyang dinala ng magulang sa emergency at dito na nila nalaman na may bacterial pneumonia raw ang bata.

Dec. 23 nang nagkaroon si Leon ng lagnat at ubo at Dec. 25, binawian na ito ng buhay.

Gustong ipaalam ni Laura sa mga magulang na pag may ubo at lagnat ang anak, huwag itong pabayaan.

Dalhin na kaagad sa doktor dahil ang isang maliit na kapabayaan ay maaring magdulot ng kamatayan!

Kamakailan lang naiulat sa KAMI ang tungkol sa isang batang namatay dahil sa matinding diaper rash na di pinansin ng mga magulang.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)