Dating batang nagbabaon ng pagkaing mula sa basura, nakapagtapos na ng kolehiyo

Dating batang nagbabaon ng pagkaing mula sa basura, nakapagtapos na ng kolehiyo

- Nagtapos na ng kolehiyo ang dating batang basurero na si Jeb Bayawon

- Di na raw niya inaasahan pang makakatapos ng pag-aaral kaya naman walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan

- Ngayong 23 anyos na siya, malaki ang pasalamat siya sa organisasyong tumulong sa kanyang makatapos ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ni Jeb Bayawon ang kanayang nakaka-inspire na karanasan sa pag-abot ng pangarap niyang maapagtapso ng kolehiyo.

Di kinahiya ni Jeb na nangangalakal ang pamilya niya sa Cagayan de Oro City. Bata pa lamang siya ay ito na ang nadatnan niyang kinabubuhay ng kanilang pamilya.

Tumutumulong na talaga silang magkakapatid sa kanilang mga magulang sa pangangalakal.

Kadalasan, dito na rin sila kumukuha ng kanilang makakain. Pagpag kung tawagin kung saan iluluto muli nila ang pagkaing nakuha nila mula sa basurahan.

Ito rin ang baon ni Jeb at di niya ito ikinahihiya. Mahalaga kasi na sundin niya ang payo ng kanyang mga magulang lalo na ng ama na mag-aral pa rin sa kabila ng kanilang sitwasyon.

Ngunit, dahil sa kanyang pinanggalingan, nakaranas din na ma-bully si Jeb. Aminado siyang di siya nakakaligo minsan at di na maayos ang kanyang pananamit, dahilan para tuksuhin siya ng mga kaklase.

Nang magkasakit ang kanyang ama ng tuberculosis, saka lamang siya nagkaroon ng rason para tumigil ng pag-aaral. Sa kasamaang palad, pumanaw din ang kanyang ama. Di nagtagal at sumunod na rin daw ang kanyang ina na namatay naman sanhi ng hypertension.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Taong 2007 nang nagkaroon ng pag-asa sina Jeb at ang kanyang mga kapatid. Na-interview siya ni Thomas Kellenberger, na dating law enforcer sa Switzerland. Siya rin ang nagtayo ng Island Kids Philippines Foundation buhat nang malaman ang matinding kahirapan na dinaranas ng ilang batang Pilipino.

Isa si Jeb sa mga naging unang beneficiaries ng nasabing organisasyon. ito ang naging daan niya upang makabalik sa pag-aaral at tuluyang makatapos.

Ngayon, tapos ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English si Jeb at proud siyang naging dean's lister pa siya.

Pinaghahandaan na niya ngayon ang pagsabak niya sa Licensure Examinations for Teachers at nangakong mananatili sa Foundation na tumulong sa kanya upang maging isang Alternative Learning System Teacher.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: