Anyare?! Laban ni Floyd Mayweather Jr. at Tenshin Nasukawa, kanselado na
- Si Floyd Mayweather Jr. ang nag-anunsyo na hindi na raw tuloy ang laban nila ni Tenshin Nasukawa
- Giit niya, naging “blindsided” daw siya sa mga pangyayari
- Sinabi rin niyang hindi niya kilala si Nasukawa noon hanggang sa nagkita sila sa Japan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matapos ang mga paghahanda at press conference na ginawa sa Japan para as diumano’y laban ni Floyd Mayweather Jr. at Japanese kickboxer na si Tenshin Nasukawa sa December 31, inanunsyo naman sa social media ni Mayweather na hindi raw matutuloy ito.
Nalaman ng KAMI na sabi ni Mayweather ay hindi raw siya pumayag labanan si Nasukawa. Dagdag niya pa, hindi niya nga raw kilala si Nasukawa noon hanggang sa magkita sila sa Japan.
“First and foremost, I want it to be clear that I, Floyd Mayweather, never agreed to an official bout with Tenshin Nasukawa. In fact (with all due respect) I have never heard of him until this recent trip to Japan,” giit ni Mayweather.
Sabi rin niya na ang inalok daw sa kanya ay isang “Special Bout” kung saan may makakaharap si Mayweather na kalaban para sa isang exhibition sa loob ng 9 minutes na may 3 rounds upang mapanood ng mga “wealthy spectators”. Ang “Special Bout” dawn a ito ay pangkatuwaan lamang at hindi opisyal na laban na ipapalabas sa telebisyon. Subalit, noong pumunta raw siya sa press conference sa Japan, tila naging iba raw ang direksyon nung laban.
“Once I arrived to the press conference, my team and I were completely derailed by the new direction this event was going and we should have put a stop to it immediately,” sabi ni Mayweather.
Humingi rin siya ng tawad sa mga fans na umasa at nagplanong manood mismo sa Japan. Giit ni Mayweather, maging siya rin daw ay naging “blindsided” sa mga nangyari na walang pahintulot niya.
“I can assure you that I too was completely blindsided by the arrangements that were being made without my consent nor approval,” giit ni Mayweather.
Tinapos naman niya ang kanyang post sa, “I am a retired boxer that earns an unprecedented amount of money, globally, for appearances, speaking engagements and occasional small exhibitions.” Matagal na ngang retired sa boxing si Mayweather at napanatili niya ang kanyang record na 50-0.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Samantala, naiulat naman ng Inquirer na noong Lunes daw ay sinabi ni Mayweather na ibibigay niya ang kanyang “blood, sweat and tears” sa kanyang laban kay Nasukawa.
Nauna na ngang naiulat ng KAMI na si Nasukawa o tinatawag na ‘Ninja Boy’ ay isa ring undefeated na kickboxer. Ang 20-year-old kickboxer ay may record na 27-0 at 4-0 naman sa martial arts.
Noong kamakailan nga ay aksidenteng nagkita si Mayweather at People’s Champ Manny Pacquiao sa Japan kung saan naman sinabing magkakaroon sila ng rematch bago matapos ang taon. Subalit, nagkaroon din ng changes dahil sa diumano’y laban nga ni Mayweather dapat sa December 31. Sabi naman ni Pacquiao, maaaring sa May o July sa 2019 magaganap ang rematch.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Cartoon - I Hate My Mother-in-Law – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh