Pasahero ng eroplano, walang nagawa kundi umupo sa "dumi" kaysa maiwan ng flight

Pasahero ng eroplano, walang nagawa kundi umupo sa "dumi" kaysa maiwan ng flight

- Di raw makatao ang naranasan ng pasahero ng eroplano nang mapilitan siyang manatili sa kanyang upuan na mayroon pa lang dumi

- Di pa malaman kung dumi ng tao o dumi ng hayop ang nakakalat sa upuan na hindi manlang daw nagawang linisin

- Pinamili pa umano ang pasahero kung mananatili na lamang siya sa upuan o iiwanan na lamang siya ng naturang flight

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di raw talaga makatao ang naranasan ng pasaherong si Matthew Meehan nang mapuno ng "dumi" ang kanyang sapatos at binti na mula sa kanyang upuan sa eroplano.

Ayon sa ulat ng Yahoo, lunan ng flight patungong Miami mula Atlanta noong Nobyembre 1 si Meehan nang mapansin nito na di maayos na nalinis ang eroplano bago sila pasakayin.

Kwento ni Meehan, pagkaupo pa lang siya sa kanyang assigned seat, naamoy na agad niya ang baho nito. Napansin din niyang nagtatakip na ng ilong ang kanyang katabi.

Nang siya ay yumuko para i-charge ang kanyang cellphone, doon niya nakita na di lamang basta mabaho ang upuan kundi puno raw ito ng "dumi".

Kasama ang kanyang katabi, agad nilang tinawag ang atensyon ng attendant sa nakita upang sa gayon ay malinis na rin ito.

Tila nagulat pa raw ito at sinabing napalinis na raw nila ito. Imbis na gawan ng paraan ng attendant ang "dumi", binigyan lamang di umano nito ng paper towel o tissue si Meehan at gin upang ipanglinis sa "dumi".

Samantala, di pa raw nila matukoy kung dumi ba ng tao o dumi ng hayop ang nagkalat sa upuan. may nagsabing dumi raw ito ng matandang may karamdaman nang sumakay sa eroplano habang may nagsabi naman na dumi raw ito ng aso.

Nang matapos siyang maglinis ng sarili, laking gulat niya na patuloy pa rin ang pagpapasakay sa eroplano at di pa rin nililinis ang dumi.

Nabanggit din kasi Meehan ang biohazard protocol sa eroplano na nalabag na agad sa mga isinagot ng crew at patuloy pa rin ang pagpapasakay nila para sa flight habang marumi pa ang eroplanong amoy "tae."

Nang muli siyang lumapit sa attendant, laking gulat niya sa sinagot nito na di raw nila responsibilidad na linisin ito at kung gusto raw ni Meehan ay maghanap ito ng ibang makakausap at siya raw ay "busy"

“If they didn’t clean, that’s not our responsibility, someone from the gate needs to take care of that. We are in the middle of an active boarding. We’re busy. If you want, you can get off the plane and talk to somebody.”

Kaya naman naghanap siya ng gate agent na pwede niyang kausapin. Ngunit mas lalo lamang siyang nadismaya sa sagot nito nang sabihing, "Sir, it’s almost time for that plane to leave. You can sit in your seat or you can be left behind.’”

Sa nangyari raw sa kanya, pakiramdam niya ay isa siyang hayop na napilitang manatili sa kanyang upuan at walang nagawa.

At dahil sa puno ang naturang flight, wala na talagang ibang nagawa kunndi ang magtiyaga sa kanyang upuan. Nanghingi na lamang daw sila ng kumot upang kahit paano ay maibsan ang mabahong amoy at maprotektahan ang kanilang sarili sa sakit na maaring makuha nila rito.

Samantala, naglabas naman umano ng pahayag ang Delta airlines patungkol sa nakadidismayang kaganapan na ito sa kanilang flight.

Narito ang kanilang official statement:

“On Nov. 1, an aircraft operating flight 1949 from Atlanta to Miami was boarded before cleaning was completed following an incident from a previous flight with an ill service animal. Delta apologizes to customers impacted by the incident and has reached out to make it right, offering a refund and additional compensation. The safety and health of our customers and employees is our top priority, and we are conducting a full investigation while following up with the right teams to prevent this from happening again.”
Delta also stated that the aircraft was taken out of service to be “deep cleaned and disinfected” upon landing in Miami.

Nag-alok din ang Delta arlines ng 50,000 miles bilang compensation ngunit tila nainsulto pa raw lalo dito si Meehan.

“I’m a diamond medallion and a million miler,If this is how they treat their top tier, I can’t even imagine how they treat people who aren’t part of the SkyMiles program,” paliwanag ni Meehan.

Naghihintay pa rin daw ng kaaya-ayang aksyon si Meehan mulata sa Delta Airlines at kung hindi, idadaan na niya sa legal na aksyon ang nakakadiring pangyayaring ito sa kanya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica