Naku po! Guro, aksidenteng nagpalabas ng malaswang panoorin sa klase
- Isang guro sa China ang aksidenteng nakapagpalabas sa projector ng "hindi pambatang" panoorin
- Iniwan ng guro ang video bilang pagpapatuloy ng kanilang aralin ngunit maling video ang kanyang naipalabas
- Umabot din sa 30 segundo na naka-play ang naturang video bago pa tuluyan itong matanggal ng guro
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang guro sa China ang nahaharap ngayon sa kahihiyan matapos itong makapagpalabas ng maling video sa kanyang klase.
Ayon sa Inquirer.net, nag-set up ng video presentation ang guro bilang pagpapatuloy ng kanilang aralin saka ito umalis.
Ngunit, di niya napansin na maling video pala ang kanyang naipalabas sa kanyang klase.
Napansin na lamang niya ito nang marinig ang kaguluhan at ingay na nagmumula sa kanyang classroom kaya naman dali-dali siyang bumalik doon.
Agad na tinanggal ng guro ang koneksyon sa projector habang patuloy parin ang pag-iingay lalo na ng kanyang mga estudyanteng lalaki.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Katunayan, nakunan pa umano ng video ng ilang etudyante ang insidente. Makikita ang ilang mag-aaral na babae na nagtatakip pa ng mukha gamit ang kanilang mga notebook.
Tumagal din daw ng nasa 30 segundo ang aksidenteng pagpapalabas ng "hindi pambatang" panoorin.
Wala mang naiulat na naging aksyon ng paaralan sa guro ngunit malaki ang posibilidad na magiging tampulan ng tukso at kahihiyan ang guro.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.
Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh