Manny Pacquiao, nagsalita ukol sa diumano'y plano niyang tumakbo bilang Pangulo

Manny Pacquiao, nagsalita ukol sa diumano'y plano niyang tumakbo bilang Pangulo

- Tila sinabi na nga ni Manny Pacquiao ang kanyang plano para sa pagiging Pangulo ng Pilipinas

- Nagbigay siya ng isang talumpati sa harap ng Oxford Union

- Ikinuwento naman ni Pacquiao rito ang kanyang mga pinagdaanan para makamit ang tagumpay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagkaroon nga ng pagkakataon ang People’s Champ at Senator na si Manny Pacquiao na magbigay ng talumpati sa harap ng mga estudyante sa Oxford University. Nalaman ng KAMI na tila kinabahan daw ang boxing champ na tanggapin ang alok na ito noong una.

Base sa report ng ABS-CBN News, bagamat ayaw niya raw noon sa pulitika, nais pa rin daw ni Pacquiao ang tumulong sa kapwa kaya naman tumakbo siya bilang senador sa bansa.

Nabanggit din daw ni Pacquiao ang posibilidad na pagtakbo niya bilang Pangulo pagtapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Subalit, hindi niya pa ito iniisip masyado ngayon dahil mas pinagtutuunan niya ng pansin ang rematch nila ni Floyd Mayweather Jr.

Sabi rin ni Pacquiao na ang pinakamensaheng nais niyang iparating ay ang huwag pagsuko sa buhay. Nabanggit din niya na hanggang Grade 12 lang ang natapos niya sa pag-aaral ngunit hindi naging hadlang ito para siya ay maging matagumpay.

“Think of David and Goliath. Look at me. I am not very big and I never had five smooth stones to throw at any obstacle, but determination is a power tool. I won a lot fights,” sabi ni Pacquiao base sa report ng Philippine Star.

“I am a fighter, not just because it is my profession. I was a fighter long before I first set foot in a boxing ring. All my life I have fought to live. Every single day in my youth, I fought for survival,” dagdag niya pa.

Aniya, “Dreams do come true. Being poor does not mean one must die poor. Hard work and persistence will set you free from the shackles of poverty. But it is faith that will take you to the very top.”

Itinaggi rin daw ni Pacquiao ang extra-judicial killings sa bansa. Giit niya, nanlalaban daw ang mga suspek kaya sila nababawian ng buhay sa gitna ng kampanya laban sa ilegal na droga ng Duterte administration.

Giit ni Pacquiao, maaaring mangyari ang kanilang pinakahihintay na rematch sa May o July sa susunod na taon. Samantala, nakahain naman ang kanyang nalalapit na laban kay Adrien Broner sa Las Vegas.

Dati na ngang naiulat ng KAMI na inanyayahan ng Oxford Union si Pacquiao upang ipamalas ang kanyang galing sa larangan ng sports at pulitiko. Ilan nga sa mga naging speaker sa naturing event ay sina Bill Clinton, Mother Teresa, Robert Kennedy, Elton John, Michael Jackson, at Morgan Freeman.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halloween makeup tutorial - we will teach you how to make a scary nun makeup! Scary nun is a horror character, famous not only in the Philippines but also around the world. So we can safely say that this year her costume is a real Halloween hit! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)