Anne Curtis, isiniwalat sa It's Showtime na takot si Vice Ganda tumanda

Anne Curtis, isiniwalat sa It's Showtime na takot si Vice Ganda tumanda

- Isang napaka-emosyonal na Tawag ng Tanghalan episode ang naganap sa It' Showtime kamakailan lang

- Naikwento ni Vice Ganda ang magandang pagbabago sa pagkatao ni Anne Curtis sa naturang show at ang inaasahan niya sa huli pag ito ay magiging mommy na

- Tumugon naman ang National Sweetheart na dati raw sinabi ng Unkabogable Phenomenal Star na tako siya tumanda at sinabi niya na ititake in raw nila ni Erwan ang huli pag ito'y tumanda na

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naging viral nga ang isang episode ng It's Showtime, kamakailan lang, dahil sa mga nakakaantig na mga mensahe nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Spotted ng KAMI ang naturang video kung saan napaluha si Anne dahil sa magandang mensahe na sinabi ng matalik niyang kaibigan na si Vice sa kanya.

Naispatan namin ang naturang video sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, na ngayon ay mayroon ng mahigit sa 900k views simula na inupload ito noong November 1, 2018.

Sa nasabing exchange of sweet thoughts, naisiwalat ni Anne na tako pala si Vice na tumanda.

Tila takot ang Unkabogable Phenomenal Superstar na tumanda mag-isa dahil dagdag pa na pahayag ni Anne, ititake in daw nila ni Erwan siya pag ito ay tumanda na, at ititreat daw nila siya na isa sa kanilang magiging anak.

Ani pa ni Anne:

"Dati natatakot siya to grow old...Kami ni Erwan, we will always be here for you. We can take you in. We will take care of you. Isa ka na rin sa magiging anak namin, actually. Eventually, when that time come."

Bumuhos naman ang samu't saring reaksyon sa naturang video sa mga netizens pero halos lahat sa kanila ay napaiyak rin sa sinabi ng dalawa.

May iba naman excited sa magiging anak nina Anne at Erwan.

Panoorin sa babang video ang naturang emosyonal na episode sa It's Showtime.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID

Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID

Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel