Alessandra De Rossi, inamin na may sama ng loob noong Since I Found You

Alessandra De Rossi, inamin na may sama ng loob noong Since I Found You

- Kilala si Alex o Alessandra de Rossi sa showbiz na bukod sa napakagaling actress ay straightforward din at hindi nagpaligoyligoy sa pagpahayag ng kanyang damdamin

- Sa panayam ng press sa bagong movie niya na Through Night and Day, naitanong sa kanya ang kumakalat na balita na may tampos raw siya sa ABS-CBN

- Agad naman itong sinagot ni Alex ng diretsahan at inamin ang balita at ang nakakawindang na dahilan kung bakit may sama siya ng loob noong Since I Found You

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na sa wakas ay sinagot na ng diretsahan ni Alessandra "Alex" de Rossi ang bali-balita na may tampo umano siya sa ABS-CBN.

At ito ay dahil sa kakatapos lang na teleserye ng Kapamilya network na pinagbibidahan ni Papa P. Piolo Pascual.

Kasama rin rito sina Emopy Marquez at Arci Muñoz.

Sa panayam ng press, na ibinalita naman ng PEP, kung saan una naming naispatan ang balitang ito.

Bungad na pag-amin ni Alessandra:

"Noong i-noffer siya sa 'kin, leading lady talaga siya. I mean, kilala niyo naman ako ever since. Bago 'yon, two years akong walang show dahil lahat tinatanggihan ko, lahat ayaw ko and finally dumating yung role na gusto ko kasi leading lady, e, parang bago 'to, i-try nga natin."

Ito ang naging pahayag ni Alessandra sa presscon ng bago niyang pelikula na Through Night And Day.

Hindi naman raw niya talaga expected na magiging secretary siya ni Piolo imbis leading lady.

Dagdag pa ng award-winning actress:

"Yun nag-abot naman ako ng kape at papel kay Papa P. So masaya naman ako na natapos na yung show dahil gustong-gusto ko nang gawin 'to [Through Night and Day]."

Pagpapatuloy na actress:

"I don't know kung ano yung nakarating, the tampo and all, but hindi iyun yung in-offer sa 'kin na role and kung alam ko lang na mag-aabot lang pala ako ng kape, ginawa ko na 'to agad [movie] kasi naghihintay itong movie na ito. Ganun lang siya."

Nang tanungin siya kung masama ba ang loob niya, ang tugon niya:

"Hindi ako nagtatampo. Kasi sinasabi ko nga, hindi siya first time na nangyari sa artista, nangyayari siya talaga. Hindi ko nga alam kung bakit lumabas, e. Sobrang konting tao lang ang nakaaalam nun."

Dagdag ng pag-amin ng aktres:

"I'm just here to explain my side... Tao lang ako. Pinaasa ako, so yes, of course, masama ang loob ko noong time na yun."

Pagtatapos pa ni Alessandra:

"Sa tingin mo, may issue pa ba ako? Wala akong issue. Nagawa ko na ang gusto kong gawin. Okay na ako."

You can watch her interview below, na naispatan namin sa YouTube channel ni Roldan Castro.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel