Trip lang? Babae, nasawi sa pambabato ng mga 'di kilalang lalaki

Trip lang? Babae, nasawi sa pambabato ng mga 'di kilalang lalaki

-Nadala pa sa ospital ngunit pumanaw rin kinalaunan dahil sa mga tinamong tama ng bato ang isang babae sa Bulacan

-Ayon sa kwento ng asawa nito, mga lalaking sakay ng tricycle ang mga suspek na bigla na lamang pinagbabato ang kanilang sasakyan

-Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso at maaaring magamit ang CCTV footage na nakalap ng mga awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang CCTV footage, nakuhanan ang tatlong tricycle na sakay umano ang mga suspek sa pambabato sa isang SUV sa Bgy. San Agustin, Hagonoy, Bulacan, na ikinasawi ng isang Ginang.

Nadala pa umano ang biktima sa ospital ngunit kalauna'y pumanaw rin. Nakasakay ito sa passenger's seat sa harap.

Hindi nakuhanan ang mismong pamamato sa mga biktima, ngunit ayon sa asawa ng nasawi na siyang driver, bigla silang hinarang ng mga suspek atsaka pinagbabato.

"May napansin na kami na nag-overtake na motor tapos bigla na lang kaming pinagbabato. Tingin ko napagkamalan lang kami,"

Mayroon na raw sinisilip na lead ang mga awtoridad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Binalikan namin lahat ng CCTV at may mga witness na nagsasabi na may nakita silang mga sakay ng traysikel boys doon. Iyun po ang lead na sinisilip natin," ayon kay SPO1 Frederick Felipe, chief investigator ng Hagonoy police.

Nanawagan rin ang mga pulis sa mga testigo na nakasaksi sa krimen na makipagtulugan sa kanila.

Lubos na pagdadalamhati ang nararamdaman ng mga kaanak ng nasawi, hustisya ang kanilang hinahangad.

"Makosensiya naman kayo sa ginawa niyo sa misis ko at sumuko na kayo. Sa mga testigo tulungan niyo po kami parang awa niyo na po para mahuli ang mga suspek,"panawagan ng asawa ng biktima.

Scary Nun Prank Part 2 is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot the nun prank part 2– and we did it! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel