Matindi! Taxi driver, huli sa video ang paningil ng halaga sa metro sa bawat pasahero

Matindi! Taxi driver, huli sa video ang paningil ng halaga sa metro sa bawat pasahero

- Nakunan ng video ng mga pasahero kung paano sila lokohin ng isang taxi driver

- Garapalang siningil ang mga ito ng halaga ng metro ngunit sa kada taong sakay

- ₱250 lang sana ang kanilang babayaran ngunit naging ₱750 ang singil dahil sa tatlo silang sakay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling gumawa ng ingay sa socmed ang isa na namang nakakaalarmang gawain na kinasasangkutan ng isang taxi driver.

Sa post ng netizen na si Lea Coronel, binahagi niya ang video kung paano sila nagulangan ng taxi driver na kanilang nasakyan.

Mula Pasay hanggang Quezon Ave ang tinahak ng biyahe nina Lea at dalawa pa niyang kasama.

Nang makarating sa destinasyon, ₱253. 50 ang nasa metro ng taxi. Ang sabi pa ng driver ₱250 na lamang daw ang bayaran nina Lea.

Nag-abot si Lea ng halagang ₱1000. Laking gulat niya na ₱250 na lamang ang sukli nito. Nang tanungin nila ang driver kunga bakit ganoon lamang ang sukli, pinaliwanag nito na tatlo silang sakay ng taxi kaya ₱250 bawat isa ang kanyang singil. Lumalabas na dahil tatlo sila, ₱750 ang kanilang "dapat" daw na bayaran.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naalarma sina Lea at patuloy na nakipagdiskusyon sa driver. Kalaunan, kinuha nito ang ₱500 at iton na lamang daw ang singil niya at di na ₱750.

Di na muling nakipagtalo pa sin Lea at tuluyang lumabas na ng sasakyan.

Ayon pa sa netizen, ayos lang sana na minsan ay magbigay ng kaunting dagdag sa taxi ngunit huwag naman daw ganoon na garapalang pang-aabuso na sa pasahero.

Nag-viral ang post na umabot na sa halos 225k views.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: