Ina ka ba? OFW umuwi ng Pinas para sumama sa tomboy, asawa't apat na anak iniwang durog mga puso
- Isang OFW ang umuwi ng Pilipinas hindi para sa pamilya kundi para sumama sa isang tomboy
- May apat silang anak at di man lang lumingon sa kanyang pamilya
- Sa huli, sinabi ng panganay na babae na siya na ang mag-aalaga sa mga kapatid dahil wala na ang mama nila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang nakakaawa na mister na si Abelardo Galzote, ang nagpatulong kay Raffy Tulfo upang manawagan sa asawang sumama sa tomboy.
Nalaman ng KAMI na pati nanay mismo ni misis na si Ronelia Galzote, ay tumulong sa asawa nito na ma-contact at mahikayat ang anak na umuwi.
Umuwi na pala sa Pinas ang asawa pero imbes na dumeretso sa pamilya sa Ilocos Sur, ito'y tumigil sa Metro Manila kasama ang tomboy na partner.
Nang ma-contact pumunta rin sa tanggapan ni Tulfo si misis. Ginawan ng paraan ni Tulfo para makapag-usap at magkaintindihan ang dalawa.
Si mister ay nagsusumamo na umuwi na sa kanila si misis. Pati mga anak niya ay humihikayat na rin sa kanyang umuwi.
Dineny ni Ronelia ang relasyon sa tomboy pero, pinresentahan siya ng ebidensya na nagpapakita na ang status niya ay "engaged to Doods Leah."
Nakumbinse rin nila si Ronelia na umuwi sa pamilya pero sa loob ng isang linggo pamamalagi doon, kinocontact pa rin niya ang tomboy.
Napuno na rin si Abelardo kaya sinabihan na lang niya ito na gawin ang gusto niyang gawin.
Umalis siya. Kawawa yung mga bata. Pero yung ate nila nanindigan at sinabihan ang mga kapatid na siya na ang mag-aalaga sa kanila dahil wala na ang mama nila.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ang tanging mensahe niya sa ina ay nang iniwan niya sila, kinalimutan na rin niyang may mga anak siya.
Makakaya raw nilang mabuhay nang wala siya.
Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.
Source: KAMI.com.gh