Kiray Celis, nagtayo ng negosyo para makahawak ng sariling pera

Kiray Celis, nagtayo ng negosyo para makahawak ng sariling pera

- Naging hayag sa publiko ang pagiging breadwinner ni Kiray Celis para sa kanyang pamilya

- Naipagpatayo na niya sila ng bahay, may paupahan at kotse

- Gayunpaman, naisip ng aktres na kailangan niyang gumawa ng hakbang upang magkaroon din siya ng para sa sarili niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May sariling negosyo na si Kiray Celis kung saan kasosyo niya ang kanyang boyfriend. Napagpasiyahan daw nilang magnegosyo dahil gusto ni Kiray na humawak ng sarili niyang pera na hindi na pakikialaman ng kanyang magulang.

Sa kabila ng kaliwa't-kanang raket, kaunti lang daw ang napupunta sa kanya dahil napupunta daw iyon sa kanyang pamilya. Ama daw ng aktres ang humahawak ng kanyang mga kinita.

Hindi man matanggap ng pamilya ang kanyang naging desisyon nung una, pinanindigan ni Kiray ang naging desisyon. Ayon pa sa isang panayam ng Pep, sinabi ni Kiray na gusto niya ring tulungan ang sarili.

“All my life, I’ve been helping my family, and this time I want to help myself also.

“Nung una, nagtaka sila, ‘Bakit, anong meron?’ Pero wala namang reason.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“I realized na… dumating ako sa point na nabigay ko sa family na nabigyan sila ng bahay, ng kotse, may paupahan sila sa baba.

Naisip niyang parang wala siyang sariling pera kung hindi pa siya hihingi.

“Naisip ko, parang, 'Bakit wala ako? Ba’t kailangang humingi para lang ako makabili at magkaroon? Wala akong sariling pera.'

“So, naisip ko na kahit anong mangyari, gusto ko ngayon meron akong mapupuntahang sarili.

“Hindi ko kailangan ng tulong kasi meron akong... may source.”

Siya daw ang nagtrabaho para sa pamilya niya at sa ngayon naman na daw ay may sariling pamilya na ang kanyang mga kapatid.

“Buong buhay ko, ako lang yung nagwu-work para sa family ko, and ako lang yung meron kayang para tulungan sila.

“Pero may work na rin yung mga brothers ko. Kasi may sari-sarili na rin naman silang pamilya, e.

“Hindi naman ako madamot. Okay ako sa mga pamangkin ko.

"Pero sana yung mga needs nila na iba, ibili niyo para sa sarili niyo, hindi na parang… sa amin na rin kasi sila nakatira, e,” kwento ni Kiray.

Unang nakilala si Kiray noong 1999 nang sumali siya sa "Miss Munting Miss U," sa Magandang Tanghali Bayan, isang ABS-CBN defunct noontime show. Naging sunod-sunod naman ang kanyang naging proyekto sa Kapamilya network. Matapos ang halos dalawang dekada ay lilipat na siya sa GMA-7 kung saan naman galing si Regine Velasquez na kakalipat lang sa ABS-CBN.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate