20-anyos na babae, natagpuang patay sa 1 hotel at may tama ng bala sa mukha

20-anyos na babae, natagpuang patay sa 1 hotel at may tama ng bala sa mukha

-Pinaniniwalaang 2 araw ng patay ang isang babae nang matagpuan ito sa isang hotel room sa Zamboanga City nitong Huwebes

-Ayon sa imbestigasyon, isang lalaki na nahagip ng CCTV ang huling nakasama ng 20 taong gulang na biktima

-Isang tama ng bala sa mukha ang kumitil sa buhay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na dalawang araw nang patay nang matagpuan ang isang bangkay ng babae sa isang hotel room sa Zamboanga City, ayon sa report ng ABS-CBN News.

Huwebes ng umaga, nadiskubre ang bangkay ni Earl Grace Riggs, empleyado ng DSWD-Zamboanga del Norte.

Isang tama ng bala ang nakita sa biktima ayon kay Insp. Exequiel Laguna, deputy chief ng Police Station 6.

Ayon sa report, isang lalaki ang huling nakasama ng biktima na hindi pa alam ang pagkakakilanlan ngunit nahagip ng CCTV ng hotel ang mukha.

Ayon sa report ng ABS-CBN, sa pagiimbestiga ng mga pulis, October 20 daw nang mag-check-in ito kasama ang ilang kasamahan sa trabaho para dumalo sa isang aktibidad ng kanilang opisina.

Ngunit nauna na raw nag-check-out ang mga kasama nito at naiwan ito kasama ang ilan nitong kaibigan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa ilang housekeeping personnel, nakita pa nilang nakaupo ang biktima ngunit hindi na kumikibo noon lamang Miyerkules.

Ngunit hindi daw umano nila inakala na patay na ang biktima kaya hindi nila ito naireport sa mga kinauukulan.

Patuloy naman ang imbestigasyon kasama ang mga huling nakasama ng 20-anyos na biktima na maaaring may alam sa motibo ng pagpatay.

Philippines Social Experiment: Borrowing Money From Strangers Part 2 – “I need help! I lost my wallet and need money for transportation.” See how Filipinos react to such a request. Watch the part 1 of this experiment – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Man who chose new lover over his family earns online backlash

Another story of infidelity earns viral thrashing

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel