Maganda na, palaban pa! Kilalanin si Sofia Deliu, ang bagong aide ni President Duterte

Maganda na, palaban pa! Kilalanin si Sofia Deliu, ang bagong aide ni President Duterte

- Sinabi na ni Pangulong Duterte kung sino ang papalit sa tungkulin ni Bong Go

- Siya nga ay si Sofia Loren Deliu, ang ‘beauty queen cop’

- Naging principal sponsor pa ni Deliu si Duterte noong kinasal siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inanunsyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kapalit na raw si Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go. Kinailangan kasi ni Go umalis sa kanyang pwesto dahil sa kanyang pagtakbo bilang senador sa halalan 2019.

Nalaman ng KAMI na ang papalit kay Go ay ang tinaguriang “beauty queen cop” na si Sofia Loren Deliu. Habang nasa Philippine Quality Awards sa Malacañang ay tinawag si Deliu ni Pangulong Duterte.

“Ito ang pumalit kay Bong, tumindig ka nga,” sabi ng Pangulo. Tumayo naman si Deliu at kumaway.

Sa isang text message, sabi ni Go na hindi tatawagin bilang SAP, na isang pwesto sa Cabinet, si Deliu, pero siya ang magpapatuloy ng mga trabaho ni Go.

“As aide si Deliu, meaning as close-in siya na kasama,” sabi ni Go ayon sa report ng ABS-CBN News.

Maganda na, palaban pa! Kilalanin si Sofia Deliu, ang bagong aide ni President Duterte

Photo from The Philippines News
Source: Facebook

Si Deliu ay half-Filipina at half-Romanian. Siya ay isang police senior inspector at dati siyang beauty queen. Ayon sa report ng Interaksyon ay graduate raw ng Tourism Management sa Saint Louis University sa Baguio si Deliu.

Maganda na, palaban pa! Kilalanin si Sofia Deliu, ang bagong aide ni President Duterte

Photo from Coconuts
Source: Facebook

Noong 2006 ay naisipan niyang pumasok sa Philippine National Police Academy (PNPA). Kaya naman noong 2014 ay pumasok na nga siya sa pulisy at na-assign sa Regional Office 1 ng Philippine National Police (PNP) kung saan naging chief supply officer siya.

Maganda na, palaban pa! Kilalanin si Sofia Deliu, ang bagong aide ni President Duterte

Photo from Blogspot
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi rin ng Interaksyon na naging Public Information Officer din si Deliu at siya rin ay naging host ng “Pulis @ Ur Serbis”, isang TV program ng pulisya sa UNTV News and Rescue.

Maganda na, palaban pa! Kilalanin si Sofia Deliu, ang bagong aide ni President Duterte

Photo from Notey
Source: Facebook

Tinanghal bilang Miss Teen Philippines si Deliu noong 2006 at Miss Baguio naman noong 2008. Sumali rin siya sa Miss Earth Philippines noong 2015 kung saan umabot siya sa 15th place.

Maganda na, palaban pa! Kilalanin si Sofia Deliu, ang bagong aide ni President Duterte

Photo from Rappler
Source: Facebook

Naging parte rin ng Presidential Security Group noon si Deliu. Naging principal sponsor niya pa si Pangulong Duterte noong ikinasal sila ng kanyang classmate sa PNPA na si Abdul Bassar Abdurajak.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Kaano-Ano Ni Coco Martin SI Carmi Martin? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel