Bulag na baby na nilalanggam na, inabandona at nasagip sa kalsada

Bulag na baby na nilalanggam na, inabandona at nasagip sa kalsada

- Nasagip ang kawawang sanggol na nilalanggam na sa kalsada

- Napag-alamang bulag pa ang saggol na inabandona na lamang sa Cagayan De Oro

- Patuloy na pinaghahanap ang magulang ng bata na posibleng maharap sa kasong child abuse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos lunos ang sinapit ng sanggol na inabandona na lamang sa kalasada ng Sitio Aluba at Barangay Indahag sa Cagayan de Oro City.

Napag-alaman ng KAMI na bulag pa raw ang kawawang sanggol na ginagapangan na ng langgam nang matagpuan.

Parehas na mata ng tinatayang nasa 8 buwang gulang na sanggol ang ang walang paningin at sa kabila ng sitwasyon nito ay buhay pa rin.

Bandang ala-una ng tanghali nang makita ang sanggol nina Arte Ruaya at Wilson Toledo noong Oktubre 14. Ayon sa mga nakakita, may katabing dalawang bote ng gatas pa ang sanggol na maaring dahilan kumbakit ito nilalanggam.

Agad na dinala sa pulisya ang kawawang sanggol bago ito binigay sa City Social Welfare and Development o CSWD.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito sinuri ang sanggol at nasa maayos na kalusugan sa kabila ng pang-aabanduna sa kanya.

Nang tanungin naman ang mga residente kung saan natagpuan ang sanggol, wala silang napansing nang-iwan.

May nag-iwan daw ng impormasyon sa CSWD at nagpakilala na tiya ng bata ngunit nang puntahan ang naturang lugar, wal anamang humarap sa kanilang tao.

Di raw ito ang unang pagkakataon na may inabandunang sanggol sa lugar, katunayan pangatlo na ito sa taong ito.

Patuloy pa rin ang paghahanap sa magulang na bata na maaring humarap sa kasong child abuse.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica