Nag-withdraw sa BPI, naging 7 million pesos daw ang laman ng account
- Nagulat ang ilang nag-withdraw sa BPI nang makita ang resibo na may lamang 5 hanggang 7 million pesos
- Nagkaroon nman ng problema ang ibang nagsubok mag-withdraw sa BPI kahapon, Oktubre 19
- Tinatayang nasa 120 na kliyente ng naturang bangko ang naapektuhan nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Laking gulat ng ilang nag-withdraw sa nga atm ng Bank of the Philippine island nang makita sa kanilang resibo na naglalaman di umano ang account nila ng 5 hanggang 7 million pesos.
Dahil sa system maintenance, nagkaroon ng ilang aberya sa mga trasaksyon ng BPI partikular na sa kanilang mga atm.
Sa advisory na nilabas ng BPI bandang 11:30 kagabi, pawang mga EMV debit card holders ang nakaranas umano ng iba't ibang aberya sa transaksyon na ginagawa nila sa BPI.
Nalaman ng KAMI na ilang mga nakaranas nito ay nagawa pang ibahagi ang larawan ng resibo kung gaano na kalaki ang laman daw ng kanilang mga accounts.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Tinatayang nasa 120 na kliyente mismo ng BPI ang apektado nito ngunit aminado ang bangko na nahirapan silang estimahin kung gaano karami ang nakaranas ng aberya.
Ngunit, binigyang linaw nila na tanging sa resibo at sa atm lamang makikita ang "million" na halaga at sa mismong account naman ay kung magkano ang totoong laman nito.
"But on their actual balances and when they view via BPI Express Online, 'yung laman ng account nila tama siya. Doon lang nagkaroon ng error sa screens and printed receipts," ayon sa pnayam ng GMA news sa opisyal ng BPI.
Bandang 4:30 ng umaga ng Oktubre 20, naglabas muli ng advisory ang BPI na naayos na nila ang mga glitch sa ilang accounts at maari nang magamit ng EMV debit card holders ang kanilang card sa mga atm.
You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.
Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh