17 Sikat na mga personalidad na pinanganak o galing sa Cebu

17 Sikat na mga personalidad na pinanganak o galing sa Cebu

Marami na sa atin ang alam na ang mga sikat na mga artista gaya nina Kim Chiu, Matteo Guidicelle, at Ellen Adarna ay may dugong Cebuano.

Pero napag-alaman ng KAMI na hindi lang pala sila ang mga sikat na personalidad na mga Cebuano descent.

Spotted namin sa Sugbo.ph ang iilan sa mga kilalang celebs o personalidad na pinanganak o galing din pala Cebu.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman, without further ado, heto ang 17 sa mga sikat na mga personalidad na diumano may dugong Cebuano.

1. President Rodrigo Duterte

Ayon pa sa online bio ng ating Pangulo, ang kanyang ama ay isang Cebuano lawyer na si Vicente G. Duterte.

2. Pilita Corrales

Ang Asia's Queen of Song na si Pilita Corrales ay pinanganak raw sa Cebu City sa Lahug noong August 22, 1939.

3. Monique Lhuillier

Ang kilalang fashion designer at creative director sa Hollywood na si Monique Lhuillier ay pinanganak rin raw sa Cebu City.

4. Kenneth Cobonpue

Ang primyadong indusrial designer na kilala rin umano sa Hollywood sa kanyang mga unique designs at pagsasama ng mga natural na mga materyales sa pamamagitan ng mga innovative handmade production processes ay mula rin sa siyudad ng Cebu.

5. Annabelle Rama

Kilala rin ang mommy nina Ruffa, Raymond, at Richard Gutierrez na si Annabelle Rama bilang isang Cebuana.

6. Matteo Guidicelli

Si Matteo Guidicelli naman ay pinanganak rin sa siyudad ng Cebu.

7. Kim Chiu

Ang Pinoy Big Brother big winner na si Kim Chiu ay mula sa Cebu bago pa man sila lumipat umano ng Maynila.

8. Enrique Gil

Isa pang pinanganak sa siyudad ng Cebu ay si Enrique Gil.

9. Vina Morales

Ang singer at aktres na si Vina Morales ay pinanganak sa Bogo City sa Cebu.

10. Paul Jake Castillo

Ang PBB graduate naman na si Paul Jake Castillo ay pinanganak rin sa siyudad ng Cebu.

11. Shaina Magdayao

Hindi man pinanganak sa Cebu pero ang kanyang mga magulang na galing sa Cebu rin, kung saan rin pinanganak ang kanyang nakakatandang kapatid na si Vina Morales.

12. Richard Yap

Pinanganak at lumaki sa Cebu ay businessman na si Richard Yap na ngayon ay kilalang aktor rin.

13. Isabel Oli

Ang pretty preggy na si Isabel Oli Prats ay pinanganak, lumaki, at nagtapos ng pag-aaral sa Cebu City.

14. Morisette Amon

Si Morisette Amon naman ay pinanganak umano sa Minglanilla sa Cebu.

15. Ellen Adarna

Si Ellen Adarna ay kilala rin bilang anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Cebu, kung saan rin siya pinanganak at lumaki.

16. Manilyn Reynes

Ang That's Entertainment graduate at isa sa miyembro ng Triplets noon na si Manilyn Reynes na makikita ngayon sa Pepito Manaloto sa Kapuso ay pinanganak rin sa Cebu.

17. Janine Berdin

Ang Tawag ng Tanghalan Season 2 Grand Champion na si Janine Berdin ay pinanganak at tubong Lapu-Lapu City sa Cebu rin.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Neri Miranda's newest business venture reflects her creativity

Neri Miranda shows off her wonderful new business- Neri's Not So Secret Garden

Neri Miranda shows off her wonderful new business- Neri's Not So Secret Garden
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel