Napatawad na daw niya! Rosanna Roces, masaya sa pagpapalaki ni Bong Revilla sa apo

Napatawad na daw niya! Rosanna Roces, masaya sa pagpapalaki ni Bong Revilla sa apo

- Ibinahagi ng beteranang aktres na si Rosanna Roces ang naging dahilan ng sama ng loob niya dati kay Bong Revilla

- Napatawad na niya umano si Bong at hangad niya na makalaya na ito

- Masaya din umano siya sa magandang pagpapalaki nito sa kanyang apo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa panayam ng press people kay Rosanna Roces ay tuluyan na nitong napatawad si Bong Revilla na matatandaang nakaalitan nito dahil sa kanyang apo.

Hangad din umano niyang makalaya na si Bong.

“Actually nakakarating sa akin (ang mga update) pero siguro tama lang na lumabas na si Senator Bong. Nagdusa na din naman ‘yung tao ng ilang taon. Si Jinggoy naka labas na. It’s about time,” saad ni Osang.

Nagbago na rin daw ang kanyang pananaw sa buhay dala na rin siguro umano ng kanyang edad.

“Since nagkaka-edad ka, naiisip mo na mali pala ‘yung ginawa ko dati, pero siyempre 'yun ang tama sa ’yo noon, lahat kaaway mo. Pero 'pag nagkaka-edad ka na pala talaga, nagme-mellow ka sa ayaw at sa gusto mo,” saad pa niya.

Isa umano sa malaking dahilan ng kanyang pagbabago ang apo na si Gabriel Revilla na anak nina Jolo Revilla at ng kanyang anak na si Grace Adriano.

“Yung pagkawala sa akin ni Gab, pero tignan mo, kasundo ko na ngayon si Jolo,” saad ng beteranang aktres.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Siguro nabigla lang ako noon, pero ngayon 'pag kinukuha naman sa ’kin ni Grace, sa akin naman dumidirecho ‘yun. At saka alam mo kahit paa ko hinahalikan ng batang ‘yun,” buong pagmamalaking sabi niya.

Maligaya siya sa kanyang buhay sa kasalukuyan kasama ang kanyang apo.

“E kasi 'pag nakita mo naman na maayos ang palaki sa apo mo, nag-aaral ng mabuti e okay na sa akin ‘yun. 'Yun lang naman hiniling ko kay Bong noon ang paaralin ang apo ko sa magandang paaralan,” dagdag pa niya.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel