Ama na dadalaw sa anak sa ospital, pinagtulungan daw ng mga pulis hanggang mamatay

Ama na dadalaw sa anak sa ospital, pinagtulungan daw ng mga pulis hanggang mamatay

- Lumutang ang post patungkol sa paghingi ng hustisya sa pagkamatay ng isang ama na si Eduardo Serino Sr.

- Dadalaw at magdadala lang sana ng pera sa anak na nasa ospital si Eduardo nang sitahin siya ng mga pulis sa Zamboanga City at tinanong kung ano ang laman ng kanyang bag

- Dinala raw sa presinto si Eduardo at laking gulat ng kanyang pamilya na isa na pala itong malamig na bangkay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinulungan ng netizen na si Rosherl Taburnal Lumpapac na humingi ng hustisya ang pagkamatay ng asawa ng kanyang naging kasambahay na si Eduardo Serino Sr.

Bagaman at wala pang linaw ang totoong kinamatay ni Mang Eduardo, malaki raw ang posibilidad na mga pulis ang may kagagawan as di na halos makilalang mukha nito.

Ayon sa salaysay ng netizen, mabuting tao raw si Mang Eduardo. Bibisitahin lamang sana ang anak nitong naaksidente sa Zamboanga City at dadalahan niya rin ito ng panggastos.

Taga Zamboanga del Norte raw si Mang Eduardo kaya naman di sanay sa pasikot sikot sa siyudad.

Nalaman ng KAMI na napadpad daw ito boulevard. At dahil sa mukha itong balisa, sinita siya ng mga pulis at tinanong kung ano ang laman ng kanyang bag.

Sa takot daw na mataniman ng kung ano ang kanyang bag, nanlaban si mang Eduardo at hindi basta binigay ang bag.

Dumating ang ilan pang pulis dahilan para magkaroon na ng komosyon sa daan. Hanggang sa tuluyan na raw dinala sa istasyon ng pulis si mang Eduardo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Makalipas ang ilang oras, nabalitaan nilang walang buhay na si Mang Eduardo. Ayon pa sa post na binahagi rin ng Vic Sotto reporters huli na raw nang makita na ang laman lamang ng kanyang bag ay mga ID ng 4Ps.

Kalunos lunos daw ang sinapit nito at halos di na makilala si Mang Eduardo dahil sa pasa at sugat na kanyang natamo maging sa buong katawan niya.

Samantala, labis na nabahala ang mga netizens na nakabasa ng post. Kung totoo man daw na inosente si Mang Eduardo, paano na naman ipaliliwanag ng pulisya ang karumal-dumal na pagkamatay ng isang am na labis lamang nag-alala sa anak.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Walang ksalanan yung tao.pinahirapan nyu walang hiya kayung mga pulis kau..anung ginawa nyu sa tao kau dapat ang mamatay kc walang nman kaung ginawa palake lang tyan..dinamay nyupa ang taong walang kamalay malay para maeligtas lang ang sarili nyu.."
"dapat bigyan yan ng hustisya.at itanggal yan lahat ng pulis na yan."
"kawawa nmn si kua bgyan po ntin ng hustisya ang pgkamatay nya.sa mga pulis n mapang abuso tulad nitong nkuhang picture."
"Mananagot kayo sa batas pag napatunayan nawalang kasalanan ang taong yan, karma ang kapalit nyan sainyong mga pulis na gumawa nyan, Wala parin ba kayong takot sa mga nakasanayan nyo."

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica