Mga bes may 3 tips si Angelica Panganiban upang maka get over sa break up

Mga bes may 3 tips si Angelica Panganiban upang maka get over sa break up

Karamihan sa atin, kung hindi man lahat, ay dumaan na rin sa isang masakit na heartbreak at least once sa buhay natin.

Kaya nga binuhay natin ang mga hugot memes, mga linya, at mga kasabihan tungkol sa pag-di-date at pagmamahal.

At lahat naman ng mga hugot lines nito ay tunay na totoo talaga.

Relate na relate much ang mga Pinoy dito kaya nga naging trending craze na ito sa ating bansa lalong lalo na sa mga social media networks gaya ng Twitter, Facebook, at Instagram.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pero dahil na rin tayo ay isang bansang mga hopeless romantics kuno, kalaunan ay nakakaget over na din tayo at minsan ginagawa na lamang nating biro ang masakit na katotohanan na nasaktan tayo at nanghihinayang tayo.

Speaking of get over at moving on, si Angelica Panganiban ay mayroong 3 sure tips umano para sa inyo mga bes na spotted ng KAMI.

1. Erase Erase Erase - Hashtag Delete!

Unang tip ni Angelica:

“Delete mo na ‘yung mga messages ninyo sa isa’t isa.”

Hindi gaya noon na mga sulat sa papel ang nauuso para ipahayag ang tinatangi ng puso.

Ngayon text at online messages na ang usong love letters.

May kaugalian kasi tayo na binabasa ulit ang mga messages dati.

Kaya naman daw ay idelete mo na ang mga messages ninyo sa phone mo at sa lahat ng social media accounts mo.

Kung may feeling ka na gusto mong kausapin ang ex mo again, iblock mo daw agad-agad at putulin ang lahat ng uri ng komunikasyon na meron kayo.

“Pagka okay ka na, puwede mo na siya i-friend ulit.”

2. Itago mo sa baul - Hashtag no reminder!

Second tip ni Angelica:

“Itago mo lahat ng mga gamit na nagre-remind sayo tungkol sa ex mo.”

Kadalasan, halos lahat yatang relasyon ay may mga bagay, regalo, o special stuff ng memories ng pagmamahalan.

Mahirap daw magmove on pag nakikita mo pa ang mga bagay, lugar o ma-amoy mo ang mga bagay na nakakapagpaalala sayo sa kanya.

Kaya itago mo na lahat ng memories nyo sa baul para walang reminder sa kanya.

3. Buhos mo bes - Hashtag Cry It All Out!

Third tip ni Angge:

“Umiyak ka nang umiyak.”

Buhos mo yan friend kasi nga dapat "pain demands to be felt," ika pa sa popular na linya ng 'The Fault In Our Stars.'

Dapat daw huwag mong i-ignore ang sakit, i-acknowledge mo at damdamin mo ito para mabuhos na lahat.

Kailangan mo raw itong maranasan para matuto dahil kung hindi wala daw magbabago.

“Bawal ka mag-skip ng kahit na anong pagsubok sa pagmu-move on. Dahil pagka ginawa mo ‘yun, babalik at babalik ka lang din sa dating naging problema.”

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin