7 Celebrities na nasangkot diumano sa aksidente sa sasakyan

7 Celebrities na nasangkot diumano sa aksidente sa sasakyan

Isa sa pinakamalaking aksidente na malimit na nangyayari ay ang aksidente sa sasakyan dahil minsa hindi lang talaga natin alam ang mangyayari.

Heto ang listahan ng 7 Pinoy celebrities o kilalang personalidad na nasangkot sa aksidente sa sasakyan na napag-alaman ng KAMI sa ulat ng news source.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Una namin naispatan ang naturang listahan sa GMA News Online.

1. Jolina Magdangal

July 9, 2017, daw nang maaksidente ang pamilya nina Jolina Magdangal at Mark Escueta.

Nabangga umano ng isang van ang sinasakyan nilang SUV habang papunta sila sa airport para sa kanilang flight patungong Hong Kong.

Nasa maayos naman ang kalagayan ng buong pamilya.

2. Angelica Panganiban and Carlo Aquino

Kamakailan lang ay naibalita ang tungkol sa pagkasangkot ng Exes Baggage stars na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Pero hindi pala ito ang kauna-unahang aksidente sa kotse na kinasangkutan ni Angelica dahil diumano noong 2014, nasangkot din daw sa isang minor car accident ang magaling na aktres.

3. Yasmien Kurdi

Ikinagulantang umano ng mga tagahanga ng Starstruck graduate at ngayon ay Kapuso aktres na si Yasmien Kurdi ang balita na nasangkot ito sa isang banggaan.

Noong September 6, nangyari daw ang naturang aksidente na binahagi niya sa kanyang IG stories.

Buti na lang ay okay lang naman si Yasmien.

4. Klea Pineda

Nakaraang buwan lang na ibinalita na nasangkot sa isang car accident ang grand winner ng Starstruck Season 6 na si Klea Pineda.

Mabuti na lang at ligtas ang aktres na dating kasali sa fantaserye na Encantadia.

5. Kim Chiu

2014 umano nang nabalita na nabangga ang sinasakyan ni Chinita Princess Kim Chiu sa may Quezon City.

Nagkaroon daw siya ng minor injuries lamang kabilang na raw ang pagdurugo ng ilong ni Kim.

Kamakailan lang din nasangkot rin sa Kim sa isang aksidente sa sasakyan binangga umano sila habang papunta sila sa block screening na ginawa nila ni Angel Locsin umano sa I Love You Hater ni Kris Aquino.

6. Aljur Abrenica

Isang buwan pa lamang daw ang luxury car ni Aljur Abrenica na Dodge Challenger nang diumano ay mabangga ito.

Wala naman daw natamong sugat ang aktor sa naturang aksidente na nangyari noong 2013.

7. Ruffa Gutierrez

7 Celebrities na nasangkot diumano sa aksidente sa sasakyan

Credit: GMA News Online/Instagram/Ruffa Gutierrez
Source: Instagram

Nasangkot rin ang celebrity mom at dating beauty queen Ruffa Gutierrez sa isang aksident.

Nagpost pa ito sa kanyang IG stories noong December 14 dahil sa isang bus na nabundol umano ang kanilang van na sinasakyan.

Hindi lang si Ruffa ang nasangkot sa aksidente sa kotse dahil pati ang nakakabatang kapatid nito na si Richard Gutierrez ay ibinalita rin ang pagka-aksidente nito.

Kamakailan ay nagbahagi ang KAMI ng 6 mga artista na nasangkot rin sa aksidente sa kotse.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel