Ayos to ah! Batang namamalimos sa jeep, nakakalikom daw ng ₱1,000 araw-araw
- Viral ngayon ang post ng isang naka-interview sa batang namamalimos o tinatawag nila ang kanilang sarili na "manonobre"
- Namangha ang netizen na si Aileen Chavez nang makausap niya ang isang batang "manonobre" nang sabihin nito na ₱1,000 kada araw ang nalilimos nito
- Umani ito ng iba't ibang reaksyon at karamihan ay nagbiro na gagawin na raw nilang raket ang pagiging manonobre
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang naging usapan ng facebook user na si Aileen Chavez at isang batang manonobre kung tawagin.
Nalaman ng KAMI na "manonobre" ang tawag ng mga batang namimigay ng sobre sa jeep at namamalimos.
Ito ay ayon sa kwento ng batang nakausap ni Aileen. Di raw sila batang namamalimos kundi mga batang manonobre.
Nanghingi raw ng barya ang bata at sinabi naman ni Aileen na nakapagbigay na siya sa mga kasama nito.
Patuloy pang nakipagkwentuhan ni Aileen sa bata. Pababa na sila nang biglang humirit pa ang bata kay Aileen. Dahil daw hindi na niya ito binigyan ng barya, nagpabili na lamang ito ng tinapay.
Binilhan naman niya ito at habang kumakain ang bata, tinanong niya kung nagkakamagkano sila sa pagiging "manonobre". Laking gulat ni Aileen nang malaman na nakaka- ₱1,000 daw ito araw-araw.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sa caption tuloy ng netizen, nagawa niyang magbiro na gusto niyang bawiin ang tinapay at naiisipan na rin daw niyang gawing raket ang pagiging "manonobre" kung ganun din lang naman daw kalaki ang nakukuha kada araw.
Samantala, tuwang tuwa rin ang mga netizen na nakabasa ng viral na post na ito. Maging sila raw ay napapaisip na gawing raket ang "panonobre" para kumita rin sila ng ₱1,000.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"1k per day=30k per month. Hahahahaah. we better change jobs"
"tee manombre na din tayo please hahaha"
"Manobre nalang tayo byyy"
"tara raket muna tayo neto"
"manobre na lang tayo! Ahaha malakas na raket pala to'"
"Sabi ko na nga ba mas yayaman ako sa ganyan e"
"tara manombre na lang tayo hahaha"
"adi sis an sagot sa mga problema ta. manobre nala kita"
You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.
Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh