Diskarte ng lolo sa pagtulong sa lalaking kulang ang pambili ng gatas, nag-viral
- Nakakadurog ng puso ang eksenang binahagi ng twitter user na si Celina Calvento sa kung paano siya sinapul ng totoong pagtulong
- Bibigyan daw sana ni Celina ng pera ang lalaking kinulang sa pambili ng gatas ngunit sa una ay tinatanggihan daw ito
- Napansin sila ng isang matandang lalaki at nadiskartehan nito kung paano matatanggap ng lalaki ang tulong nila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nasapul daw ng husto ang twitter user na si Celina Calvento ng totoong kahulugan ng pagtulong sa kapwa.
Sa kanyang tweet, kinuwento ni Celina ang eksena sa grocery store sa Boni. Napansin niya ang lalaking nasa labas at binibilang ang pera niya na tig-be-bente at may isang ₱50.
Tinanong muli ng lalaking ito sa guard ng grocery store kung magkano ang presyo ng powdered milk na nais pala niyang bilhin.
Napakamot na lamang daw ito sa ulo at kita sa mukha nito na kulang ang kanyang binibilang na pera.
Magbibigay na sana si Celina ng pera at ipaabot na lamang niya ito sa guard. Ngunit, tatanggihan daw ito ng lalaki dahil inalok na pala ng guard ang lalaki at di ito tinanggap.
Aminado si Celina na susuko na sana siya sa pagtulong nang lapitan siya ng isang matandang lalaki. Sinabi nito susubukan daw niyang iabot ang pera sa lalaki.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Pumayag naman si Celina at pinagmasdan ang diskarteng gagawin ng matanda. Tiniklop daw muna nito ang pera at nilapitan ang lalaki.
“Nahulog mo to” sabi ng matanda sa lalaki na tinaggihan naman agad ng lalaki dahil alam niyang di ito sa kanya.
“nakita ko sayo galing. Nahulog lang yan, pero para sayo,” pagpupumilit ng matanda.
Nagulat si Celina at tinanggap ng lalaki ang pera at nagpasalamat. Agad daw itong pumasok na sa loob ng grocery.
Halos sumabog daw ang puso ni Celina sa nangyari. Napangiti naman ang matanda sa kanya.
Doon daw niya natutunan ang tunay na kahulugan ng pagbibigay.
Samantala, labis na naantig naman ang mga netizens sa kakaibang kwento na ito tungkol sa pagtulong. Narito ang kanilang mga komento:
"Can I cry? Wait. I just did."
"Made my day"
"Sa totoo madami or mas malala pa ganito situation hindi lang nakikita araw araw.Sobra hirap talaga ng buhay. Salamat sa pag share."
"This is soo touching. It should make us feel grateful on what we do have as there are sooo many people out there who are really struggling in life. God Bless the hearts of those who are so helpful"
"Im so touched...naiyak aq"
You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.
Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh