Rich and famous! 15 Celebrity kids na likas na mayaman na nang pinanganak

Rich and famous! 15 Celebrity kids na likas na mayaman na nang pinanganak

Dahil sa lawak ng showbiz at dami ng mga artista na pumasok at lumabas sa show businesses at nag-asawa at nanganak, hindi na mabilang ang mga masuswerting celebrity kids na pinanganak na talagang mayaman dahil sa yayamanin na mga celebrity parents.

Ngayon, ibinabahagi na naman ng KAMI ang bagong listahan ng mga rich and famous celebrity kids na talaga namang nakakainggit ang swerte dahil pinanganak na mayaman sila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. KC Concepcion

Hindi lingid sa kaalaman ng nakakarami na ang nanay lang naman niya ay si Megstar Sharon Cuneta at ang huli ay pinanganak na mayaman na rin talaga.

Kaya nga sa Paris nag-aral si simply KC pero elegante.

2. Sotto Children

Ito ang hindi na kailangan pang imemorize natin dahil kilala lang naman ang mga Sotto na likas na mayaman na simula't sapul.

3. Mikee Cojuangco and Robert Jaworski Kids (Robbie, Rafael, at Renzo)

Isa pang kilalang yayamanin na apelyido ay ang mga Cojuangco, at alam natin na si Mikee Cojuangco na nakilala ang orihinal na IT girl noon, at ngayon, butihing maybahay na ng gwapo at dating basketbolista at galing din sa yayamaning pamilya na si Robert Jaworski.

3. Kris Aquino's Sons ( Josh and Bimby)

And speaking of Cojuangco, isa sa pangalan na papasok ay ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Pasok na pasok naman talaga sina Josh at Bimby.

4. Juliana Gomez

Speaking of rich and famous celebrity kid, hindi makakalimutan ang pangalan ni Juliana Gomez, ang kakadebut lang na unica hija ng mayamang heredera na si Lucy Torres at sikat na ama na si Richard Gomez.

5. Valenciano Offsprings

Sa rami ng sold out concerts, box office shows, endorsements at movies, pati na rin ang mga best-sellings songs ni Pure Energy Gary V. ay sigurado namang lumaki sa yaman na ang mga Valenciano offsprings.

6. Alcasid's Siblings

Si Ogie Alcasid ay pinanganak na mayaman at sa libo libo niyang mga kanta na ginawa at kinanta, sold out concerts, shows, at endorsements talaga namang pasok sa banga ang yaman ng actor-comedian-endorser-singer-songwriter-host.

Nagsama pa sila ng Asia's Songbird at ang good friend niyang ex-wife na binalita noon na may negosyo rin sa Australia na si Michelle Van Eimeren ay talaga namang winner sa yaman ang mga Alcasid's siblings.

7. Muhlach Offsprings - Twins (Andres and Atasha) and Luigi

Sa tagal at dami ng shows, movies, at endorsements at estado ng batikang aktor na si Aga Muhlach ay hindi maikakaila na ang kanyang mga anak ay lumaki sa marangyang buhay.

Galing rin sa magandang pamilya ang asawa niyang si Charlene Gonzales at si Janice de Belen naman, ang mommy ni Luigi, ay galing rin sa may kaya sa buhay na pamilya.

8. Gutierrez Scions ( Ruffa's daughters, Lorin and Venice) and (Richard's sons, Zion and Kai)

Kilala ang pamilya Gutierrez na isang mayamang angkan rin, kaya naman nabuo ang "It Takes Gutz To Be A Gutierrez."

9. Zia Dantes

Hari at reyna ba naman ang nanay at tatay mo sa Kapuso network, kaya naman maswerte rin ang pretty mini-me ni Marian Rivera na lumaki na yayamanin.

10. Seve Soriano

Kung ang mommy mo naman ay ang Ultimate Multimedia Superstar na maraming blockbuster movies, bumida sa maraming TV shows, best-selling recording albums, sold-out concerts, local at international shows at concerts, nag-endorsed ng halos lahat ng branded at malalaking produkto through the years, at ang pinakamagaling na TV host sa kanyang henerasyon.

At ang daddy mo naman ay laking mayaman na rin at director ng kinilalang mga movies ay talaga namang winner na winner ka sa magandang buhay gaya ni napakacute na si Seve.

11. Connor Wilson Consunji

Kamakailan lang ay nai-feature naman dito ang billionaire cutie na anak ng 2007 Bb. Pilipinas-World Maggie Wilson sa mister na si Victor Consuji, kilala bilang real estate mogul.

12. Donna Cruz and Yong Larrazabal's Kids

Lingid sa kaalaman ng marami, ang mga Larrazabal ay kilalang mayaman sa Visayas, at hindi rin lingid sa kaalaman ng marami na isang sikat na artista si Donna Cruz sa kanyang henerasyon bago pa man mag-asawa.

13. Maria Isabella Padilla

Kamakailan lang ay pinakita sa atin ni Mariel Padilla ang bonding moment nila ng unica hija nila ni Robin Padilla na si Isabella na nagboboat ride lang naman sa paligid ng kanilang mansyon.

14. Scarlet Snow Belo

Isa sa pinakasikat na celebrity babies ngayon, na nagpatunaw sa puso ng mga Instagram netizens kasama si Seve, na si Scarlet ay lumaki rin sa mayamang pamumuhay.

15. Joel Cruz Kids

At hindi magpapahuli ang pitong anak ng perfume magnate na si Joel Cruz.

Una naming naispatan ang magandang istoryang ito sa GMA News Online.

Kamakailan din ay binahagi namin ang unang batch na "Sikat na, mayaman pa," at ang "9 famous celebs na namulat sa buhay-mayaman."

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman shares how God helped her through mental disorder

Woman shares how God helped her through mental disorder

Woman shares how God helped her through mental disorder
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel