Gretchen Fullido at ang istorya ng buhay niya sa likod ng kontrobersiya

Gretchen Fullido at ang istorya ng buhay niya sa likod ng kontrobersiya

- Ang magandang anchor ng ABS-CBN entertainment news na si Gretchen Fullido ay tila laman ng mga balita this past week at pinag-uusapan ngayon

- Ito ay dahil sa explosibong rebelasyon na ibinalita kamakailan lang tungkol sa pagfile umano niya ng diumano'y se*xual harassment at libel charges laban sa ilan sa kanyang katrabaho

- Kaya biglang napasilip ang ilang media outlets tungkol sa istorya ng buhay niya sa likod ng kontrobersiya

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang kwento ng buhay ng kilalang entertainment anchor na si Gretchen Fullido sa likod ng kontrobersiya na isang malaking usapin ngayon sa entertainment at sa news department.

Ayon pa sa balita na hatid ng GMA News Online, si Gretchen Fullido ay isang alumna ng University of the Philippines film and audiovisual communication.

Nagtrabaho raw siya bilang isang dating courtside reporter sa UAAP sa loob ng tatlong straight season, Season 67 to 69.

Isa rin raw siyang napakagaling na swimmer.

Ani pa daw niya sa kanyang Instagram post, nakipagpaligsahan umano siya sa Milo Novice Meet sa PCA noong '90s.

At 6 years old daw siya noong nanalo raw siya ng 6 na gold medals sa swimming competition.

Naging courtside reporter din daw si Gretchen Fullido sa Philippine Basketball League o PBA.

Kamakailan lang, pinagdiwang umano ng entertainment anchor ang kanyang 10th year sa pagiging showbiz anchor sa TV Patrol ng ABS-CBN.

Isa rin daw siyang radio host ng DZMM bukod sa kanyang TV stint.

Si Gretchen Fullido ay pinanatili ang pagiging fit sa pamamagitan ng active lifesytle.

Sa katunayan, nakipagcompete siya sa Ironman 70.3 Asia-Pacific championship sa Mactan sa Cebu noong August.

Bukod pa rito, isa ring dog lover si Gretchen Fullido, at sinuportahan ang Bow & Wow Black Collar Ball and Benefit Dinner for the Philippine Animal Welfare Society (PAWS) event noong January 2011 sa The Gallery sa Greenbelt 5 sa Makati City.

At sa mga oras daw ngayon, kumukuha raw ng lakas si Gretchen sa suporta ng kanyang mga magulang.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin