Cristine Reyes at Ali Khatibi, hiwalay na ayon sa isang source na nakakakilala sa dalawa

Cristine Reyes at Ali Khatibi, hiwalay na ayon sa isang source na nakakakilala sa dalawa

- Kinumpirma ng isang source ang matagal nang kumakalat na balita tungkol sa mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi

- Nanatiling tikom ang bibig ng dalawang panig ngunit kapansin-pansing hindi na sila nakikitang magkasama

- Nagsimula sa isang dasal sa Instagram ang alingasngas tungkol sa hiwalayan diumano ng mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang diumano'y hiwalayan ng mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi simula nang magbahagi ng litrato si Cristine kung saan hinihiling niya sa Panginoon na protektahan ang kanyang marriage.

"Dear God, I pray for my marriage right now.

"Please guard my relationship with my husband and protect us against elements that tempt or taunt us to ruin what we have.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Convict our hearts when we are wrong or un-righteous, fill us with a passion to get better and bless us with a deep love for each other in Jesus name AMEN," saad ni Cristine sa caption ng kanyang post.

Hindi na nakita ang mag-asawa na nag-post na magkasama sa anumang larawan sa kani-kanilang social media accounts.

Gayunpaman, ilang beses na ring pinabulaanan ng aktres ang nasabing balita.

Lalo pang umingay ang balitang hiwalay na ang dalawa dahil sa pag-unfollow ni Cristine si Ali sa Instagram.

Hindi din kasama nila Cristine at anak nitong si Amarah si Ali noong Mother's Day.

Kahit ang kapatid niyang si Ara Mina ay walang naisagot sa tunay na lagay ng relasyon ng mag-asawa dahil hindi umano ito nagsasabi sa kaniya.

Nitong Setyembre, sa presscon ng pelikulang Abay Babes, muling natanong si Cristine tungkol sa kanilang sitwasyon ng asawang si Ali at walang inamin si Cristine tungkol dito.

"Okey naman po. Tahimik naman po ang buhay ko. Maayos naman ang lahat," sagot ni Cristine sa press people.

Samantala sa isang ulat ng Pep, napag-alaman mula sa isang source na nakakakilala sa mag-asawa ang tunay na lagay ng kanilang relasyon.

Ayon sa source, hiwalay na sina Cristine at Ali bago pa man ang Boracay bonding ng magkakapatid na sina Ara, Cristine, at Heidi Gatmaitan noong Marso.

Ayon pa sa nasabing source hindi diumano pabor ang ina ni Cristine kay Ali at ang hindi pagkakaroon ng stable job ng mixed martial arts artist.

Wala naman daw third party sa kanilang paghihiwalay.

Gayunpaman, hindi alam ng source kung tuluyan nang nag-file na ng legal separation o annulment of marriage si Cristine. Binalak daw kasi ito ni Cristine noon ayon pa sa source.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
4 things the Warriors had going on for them to ensure this first win against the Thunder

4 things the Warriors had going on for them to ensure this first win against the Thunder

4 things the Warriors had going on for them to ensure this first win against the Thunder
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel