12 controversies na kinasangkutan ni Mocha Uson bilang public official

12 controversies na kinasangkutan ni Mocha Uson bilang public official

- Nasangkot sa ilang mga kontrobersiya si dating Assistant Secretary Mocha Uson

- Kasama na nga rito ang mga diumano’y “fake news” daw ni Uson

- Kamakailan lang ay nag-resign na nga si Uson bilang public official

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Esther Margaux “Mocha” Uson ay nakilala noon bilang isang entertainer at leader ng all-female dance group na Mocha Girls. Isa rin siyang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit noong nangangampanya pa lamang ito bilang presidente. Tampok rin ang ‘Mocha Uson Blog’ kung saan nilalabas ni Uson ang kanyang mga pananaw ukol sa politika o gobyerno.

Noong January 5, 2017 ay kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagiging Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) member ni Uson. Hindi rin nagtagal, naging assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) naman si Uson noong May 9, 2018. Ayon kay Pangulong Duterte, ito ay “utang na loob” niya kay Uson para sa walang sawang suporta sa kanya.

Ilang kontrobersiya na rin ang kinasangkutan ni Mocha Uson noong maging government official siya at nilista naman ng KAMI ang iba rito:

Articles sa Philippine Constitution

Noong March 2017 ay nagpost si Uson sa Facebook na dapat managot ang Might Corporation sa P9.6 billion nitong tax evasion case at dapat 10 times nito ang babayaran nila ayon daw sa “Article 263 ng Constitution”.

Agad namang nagkomento ang mga netizens dito sapagkat hanggang 18 lamang ang articles ng Philippine Constitution.

Naglabas naman ng public apology si Uson at sabi niya pa,“However, unlike some VP I know, there was no intent to mislead the people and this was just an honest mistake. Thank you for understanding.”

Maling litrato ng Philippine Army

Sa isang Facebook post niya sa Mocha Uson Blog, inanyayahan ni Uson ang mga Pilipino na ipagdasal ang Philippine Army noong May 28, 2017.

Agad namang napansin ng mga netizens na hindi raw ito litrato nga sundalo ng Pinas, ito raw ay kuha pa sa Honduras. Inakusahan din si Uson sa hindi niya pagbanggit ng may-ari ng litrato.

Performance sa Resorts World Manila

Ayon sa Rappler, noong September 2017 naman ay nagperform si Uson kasama ang Mocha Girls sa Bar 360 na nasa casino ng Resorts World Manila. Nilabag daw diumano ni Uson ang Memorandum Circular No. 6 na nagsasaad na hindi pwedeng pumasok, manatili at maglaro ang mga government personnel sa mga casino.

Criminal at administrative cases na hinain ni Senador Antonio Trillanes

Naghain naman ng kaso si Senador Antonio Trillanes laban kay Uson dahil sa diumano’y patuloy na pagkalat nito ng mga “fake news” tungkol sa kanyang mga “offshore” bank accounts. Nilabag daw diumano ni Uson ang Cybercrime Prevention Act for libel, Anti-Graft and Practices Act, Code of Conduct at Ethical Standards para sa mga Public Officials at Employees, falsification at mga diumano’y maling documents.

Sabi ni Trillanes, "The era of fake news is over. Lahat ng magkakalat ng fake news ngayon ay mananagot sa ating batas. So ‘yan ang dapat matutunan ng lahat ng nagkakalat ng fake news," base sa report ng Rappler.

Sagot naman ni Uson noon ay handa siyang mag-resign sa pwesto kapag nanalo sa kaso si Trillanes pero kung hindi ay ang senador ang umalis sa pwesto niya.

Maling litrato ukol sa rape sa Pinas

Sa kanyang Mocha Uson Blog ay ibinahagi ni Uson ang kanyang saloobin tungkol sa mga biktima ng rape na gawa ng mga drug users sa Pinas. Noong ni-repost niya ang kwento ng isang Duterte supporter ukol dito ay litrato ng isang patay na batang babae sa Brazil na biktima ng rape at murder ang ginamit ni Uson. Agad naman siyang pinuna ng BBC dito at tinanggal niya rin ang post.

12 controversies na kinasangkutan ni Mocha Uson bilang government official
Photo from Preen Inquirer
Source: Facebook

Burol ni Kian Delos Santos

Sa gitna ng mainit na kontrobersiya nang pagkamatay ni Kian Delos Santos na diumano’y sangkot sa droga ay nagpost si Uson ng lumang article ng Inquirer ukol sa burol ng isang pulis. Ginamit ni Uson ang article upang i-post at tanungin sina Vice President Leni Robredo, mga senador na sina Antonio Trillanes, Bam Aquino at Risa Hontiveros kung kailan naman sila pupunta sa burol.

UST Alumni Association Award

January 21 noong binigyang parangal ng University of Santo Tomas Alumni Association si Uson para sa paninilbihan nito sa gobyerno.

Subalit hindi naman ito nagustuhan ng UST Central Student Council (CSC) sapagkat, “she does not, in any way, embody the ideals of a real Thomasian.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mayon Volcano

Sa isang video ay nagkamali naman ng sinabing location si Uson. Sabi niya, “Ang pinakamalaga pa, ‘yang nangyayari sa Naga, ‘yang pag-aalburoto ng Mayon Volcano.”

Agad namang binatikos ng mga netizens si Uson dito dahil ang Mayon Volcano ay nasa Albay sa Bicol. Humingi naman ng despensa si Uson dito at tinama ang kanyang sinabi. Aniya, “Hindi po Naga, Bicol po.”

Issue kay Kris Aquino

Nagpost ng isang video si Uson kung saan kinukumpara niya ang insidenteng paghalik ng isang OFW kay Pangulong Duterte at sa huling mga oras ng pumanaw na na si Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Agad namang bumwelta ang Queen of All media na anak ni Ninoy Aquino na si Kris Aquino. Hinamon ni Kris si Uson na magharap sila. Sa huli ay hindi naman nag-sorry si Uson sa ginawa niya.

‘Pepederalismo’

Naiulat naman ng KAMI noon ang naging viral video ni Uson kasama ang blogger na si Drew Olivar. Ang goal nila ay magbigay lecture ukol sa pederalismo sa bansa, ngunit, si Olivar ay may ginawa pang jingle na may lyrics na “i-pepe, i-dede, i-pepederalismo” sabay hawak sa mababang parte ng kanyang katawan. Umani naman ng maraming batikos sa mga mambabatas at netizens ang video na ito.

Sign language

Matapos ang kontrobersyal na pederalismo video ay nasangkot na naman sa isang viral post si Uson na nareport ng KAMI noon. Mapapanood sa video na ginagaya ni Olivar ang sign language at ayon sa mga netizens ito raw ay pangba-bastos o pang-iinsulto sa deaf community. Ilang reklamo rin ang hinain ng mga deaf advocates sa Ombudsman laban kay Uson.

PCOO budget hearing at resignation

Kamakailan nga ay nabalita ang pag-defer ng House of Representatives sa budget hearing ng PCOO para sa taong 2019. Naiulat na rin ng KAMI na ayon kay Uson, tila may mga nang iipit sa budget ng PCOO para hindi ipasa kaya naman nagdecide na lang daw siya magsakripisyo at mag-resign na lamang.

Ayon kay Special Assistant Bong Go, tinanggap na raw ni Pangulong Duterte ang resignation ni Uson at nagpapasalamat si Go sa serbisyo ni Uson sa gobyerno.

POPULAR: Read more news about Mocha Uson here!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)