Mga ama, pasan ang mga anak sa pagtawid sa makipot na tulay patungo sa paaralan
- Buwis buhay ang mga ama na tinatawid ang mga anak nilang pasan sa kanilang mga likod, makapasok lang ng paaralan
- Napakadelikado ng ginagawang ito ng mag-aama dahilisang maling hakbang lang, maari silang mahulog sa rumaragasang ilog
- Nadurog ang puso ng mga netizens na nakapanood ng video at nawa'y maging inspirasyon daw ito sa mga batang tamad mag-aral
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena ngayon sa social media ang video na binahagi ng page na Filipino Netizens kung saan ang mag-aama ay buong tapang na tumatawid sa makipot na tulay upang malagpasan ang ilog.
Makapigil hininga talaga ang video kung saan pasan ng mga ama ang kani-kanilang anak habang buwis buhay nilang dinaraanan ang tila ba'y malaking tubi lamang na nagsisilbing daanan patawid ng ilog.
Nalaman ng KAMI na mapamali lang kasi ng hakbang ang ama, tiyak na hulog sila ng kanyang anak sa rumaragasang ilog. Kaya naman dahan dahan at naninigurado sa paglalakad nito.
Napakadelikado nito na pinaniniwalaang ginagawa ng mag-aama araw-araw, pagpasok at pag-uwi sa eskwela.
Samantala, nadurog naman ang puso ng ilang netizens dahil sa hirap na dinaranas ng mag-aama makapasok lang ang mga anak sa paaralan.Ang ilan naman, nabatikos ang pamahalaan dahil sa di pagpapagawa ng maayos na tulay na maaring madaanan ng mga residente roon.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang kanilang mga komento:
"Saan ito? Grabe naman hindi naka gawa ng tulay kahit kahoy mga opisyales?"
"Kawawa naman. Ang mga studyante. Nato.. Sana matulungan ito. Ng gobyerno natin."
"Saan lugar kya eto? ang kagustuhng makapag pag Aral ang knilng mga anak ,matulungan sna ng gobyerno ntin"
"Sana naman ipa abut ito kay presidente Dauterte para magawan sila ng tulay. This is very very dangerous for this kids"
"dyos ko po nkaka takot nman..sna may tumulong sa kanila pra magawan sila kahit hanging bridge"
"madame education secretary leonor briones what can say about this? dapat madame matugonan nang pansin ito, hindi lang yung mga maraming paper works sa mga teacher, ito mo na unahin natin"
Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!
Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh